Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali? Bandera

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Ervin Santiago |November 22,2021
share this

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Ervin Santiago November 22, 2021 - 08:16 AM

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

MARAMING netizens ang nagsasabi na pagtambalin na ng GMA 7 sa isang teleserye ang “special friends” na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Ito’y matapos ngang ipalabas nitong Sabado ang part 2 ng digital documentary-concert ni Julie Anne na “Limitless: A Musical Trilogy: Heal.” 

Napanood din namin ang “Limitless 2” at talaga namang umaapaw ang chemistry at kilig sa pagitan nina Julie Anne at Rayver. Ang TV host-actor ang isa sa mga special guests ng Kapuso actress sa kanyang docu-concert.

Nakasama rin nila sa show sina “The Clash” grand champion na si Jessica Villarubin at si Kalamay Papi o Joaquin Abregana na sikat na talent sa Dumaguete.

Sa part 1 ng “Limitless” ay inikot ni Julie Anne ang ilang lugar sa Mindanao at sa part 2 naman na tumagal ng halos isa’t kalahating oras, inilibot naman ng dalaga ang manonood sa mystery island ng Siquijor.


In fairness, habang nanonood kami ng “Limitless 2” ay parang nalibot na rin namin ang Siquijor at talaga namang napakaganda ng karagatan doon kung saan kinunan ang winner na dance number nina Rayver at Julie Anne.

Kung hindi mo nga alam na magkaibigan lang ang dalawa ay iisipin mong may relasyon sila dahil sa nag-uumapaw nilang karisma together lalo na kapag magka-holding hands pa sila. 

Komento pa nga ng ilang fans, may something din silang nararamdaman kapag nagtititigan na sila kaya sana raw ay si Julie Anne na ang ipalit ni Rayver kay Janine Gutierrez.

Malalim din ang hugot ni Julie Anne sa “Heal” kung saan naglabas din siya ng kanyang saloobin sa mga  pinagdaanan niya sa buhay, kabilang na ang pagkabigo niya sa pag-ibig noon.

Aniya, pilit niyang kinikimkim ang kanyang feelings para siya na lang ang masaktan, “Kaya ko siya hinahayaan, kasi ayokong makasakit ng tao. Ayoko nang ma-feel nila yung napi-feel ko. Hirap. Mahirap siya.” 

“Mahirap maka-move on, pero minsan kasi kailangan, e. Kasi wala kang choice. Hindi ko deserve talaga. Most of my relationships have failed. I know that. 

“Tapos iniisip ko, kanino ba yung mali? Ako ba yung nagkulang? Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Bakit nangyari sa akin ito?

“Pero siyempre, ako kini-keep ko na lang sa sarili ko kasi ayokong…kapag sini-share ko sa family ko, ayokong nakita nila ako nang ganyan. Ayokong nakikita nila akong nasasaktan, ayokong nagwu-worry sila sa akin, na I have problem,” pahayag pa ng dalaga habang nakatitig sa kanya si Rayver at seryosong nakikinig.

“I always have to think of it that way. Sa akin ba yung problema? Kasi okay naman siguro ako. I’m not the bad person. Mahaba naman ang pasensya ko, pero parang hindi ko alam kung bakit ganu’n. Pero siyempre, wala naman akong choice.

“Akala ng mga tao, okay ako pero hindi. And it has to happen so so many times,” lahad pa ni Julie.

Isa pa sa ikinakilig namin sa “Limitless 2” ay ang pagba-bonding nina Rayver at Julie Anne sa napakagandang Cambugahay Falls. Noong una ay ayaw pang tumalon doon ng dalaga kaya tinanong siya ni Rayver kung bakit, sagot ng singer, “I’m afraid…of falling!” sabay tawa.

Ngunit sa bandang ending ng docu-concert series magkahawak-kamay pa silang tumalon sa nasabing falls.

Samantala, sinabi naman ni Julie Anne na sakaling magmahal siya uli sana raw ay maging God-centered ang kanilang relasyon, “Ang pinakaimportante sa lahat, someone who is faithful and God-centered, cause when you’re God-centered, everything else follows.” 

Dagdag pa niya, “Sobrang importante sa akin yung faith, I do believe in God. Wala kang problema kung Siya lang ang takbuhan ko.

“Actually, palagi ko Siyang kausap pag nagmumuni-muni ako. Alam kong andiyan lang Siya. 

Nasa phase ako ng buhay ko na kailangang bigyan ko muna ng importansya ang sarili ko bago ako magmahal ng iba ulit. Proseso naman yun, e. Hindi naman puwedeng madaliin,” aniya pa.

Julie Anne umaming super close sila ni Rayver, pero walang malisya: He’s such a good friend

Rayver mas malaki ang TF sa GMA kesa sa ABS-CBN kaya nakapagpatayo na ng bahay

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending