Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat Bandera

Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

Ervin Santiago January 23, 2022 - 02:13 PM

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

MARAMI ang nanunukso sa  Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz — feeling nila sila raw talaga ang pinagtagpo at itinadhana para sa isa’t isa.

Pareho naman daw single ngayon ang dalawa kaya pwedeng-pwedeng ma-develop into a serious relationship ang kanilang special friendship.

Sa nakaraang virtual mediacon ng Universal Records para sa bagong collaboration nina Julie Anne at Christian Bautista (para sa duet nilang Everybody Hurts), natanong ang Kapuso actress-singer kung posible nga bang maging sila ni Rayver Cruz.

Sagot ng Asia’s Limitless Star, “Masaya naman maging masaya. Si Lord ang nakakaalam ng lahat. We’ll see.”

Dagdag pang chika ng dalaga tungkol sa tunay na estado ng relationship nila ni Rayver, “Best friends talaga kami niyan ever since. We’re very good friends for a very long time na.

“Isa talaga siya sa mga taong nakakaintindi sa akin. Mabuti siyang tao. He’s a good person. Caring and thoughtful siya. He’s really someone that you can count on,” paglalarawan pa ni Julie Anne kay Rayver.

Aniya pa, “We enjoy each other’s company. Sobrang okay po talaga kaming dalawa.”

Ipinagdiinan din ng Kapuso star na looking forward na rin naman siya na magkaroon ng boyfriend pero feeling niya hindi pa talaga dumarating ang kanyang “Mr. Right.”

Naniniwala rin siya na kailangang i-prioritize mo muna ang iyong sarili bago ang ibang tao, “You have to love yourself. You have to take care of yourself. It’s about nourishing yourself in all levels of your being.

“Kapag meron ka na nu’n, magre-reflect ’yon sa kung paano ka towards your partner,” katwiran pa niya.

In fairness, kung magiging magdyowa nga sina Julie Anne at Rayver matibay na ang pundasyon ng kanilang relasyon dahil matagal na nga silang magkaibigan at mas lalo pang naging close dahil sa mga projects nila together sa GMA 7. Ang huli nga ay special guesting ng binata sa “Limitless Part 2: Heal” digital docu-concert ni Julie Anne.

Nabalitang may “something” na sa pagitan ng dalawang Kapuso stars matapos kumalat ang chika na hiwalay na sina Rayver at Janine Gutierrez.

Rayver, Julie Anne iwas na iwas sa panunukso nina Pokwang at Pekto, pero may pasorpresa sa fans

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending