Dimples Romana ipinanganak na ang kanilang ikatlong anak na si Baby Elio | Bandera

Dimples Romana ipinanganak na ang kanilang ikatlong anak na si Baby Elio

Therese Arceo |June 24,2022
facebook
share this

Dimples Romana ipinanganak na ang kanilang ikatlong anak na si Baby Elio

Therese Arceo - June 24, 2022 - 06:51 PM

Dimples Romana ipinanganak na ang kanilang ikatlong anak na si Baby Elio
IBINANDERA ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang kanilang larawan kasama ang pinakabagong blessing sa kanilang pamilyang si Baby Elio.

Ngayong araw nga ay ipinanganak na ng aktres ang kanilang ikatlong anak ni Boyee Ahmee.

Sa Instagram ay proud na proud na inanunsyo ni Dimples na ngayon ay opisyal na siyang mother of three ngayong naisilang na niya ang kanilang third child.

“I spy with my little eye. Hi, Elio. SURPRISE,” saad ng aktres sa kanyang IG post.

Dagdag pa ni Dimples, “I guess it’s going to be a good goood weekend for @the.fahmeely.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Umulan naman ng mga congratulatory messages ang naturang post ng aktres mula sa kanyang mga fellow celebrities na talaga namang excited nang makita si Baby E.

“Our little baby Elio!!! Congratulations Ate @dimplesromana and @papboyetonline,” saad ni Sue Ramirez.

Comment naman ni Bianca Gozales, “Omg congratulations Ahmee family!!!! Good job, mama!!!!l

“ELIOOOOOO. Congrats Ate [Dimples] and Papa Boyet,” sey naman ni Charlie Dizon.

Matatandaang noong Marso nang i-announce ni Dimples ang kanyang pagbubuntis.

Sa parehong buwan rin nang ibahagi niya na lalaki ang magiging anak nila.

Samantala isang surprise baby shower naman ang naging regalo nina Angel Locsin at Bea Alonzo na pawang malalapit na kaibigan ni Dimples.

“To say that my life is filled with so much LOVE, that my family is blessed to have the BEST PEOPLE around us would be an understatement.

“Kagabi, when I came in the room, I couldn’t make up exactly what I was seeing, (Wala din ako suot na contact lens kaya nearly blind ako) what I thought was a brand shoot turned out to be one of the most beautiful surprises ever to happen in my life,” pagkukwento ni Dimples.

2003 nang ikasal silang dalawa ng asawang si Boyet Ahmee at sa katunayan ay nag-celebrate na sila ng ika-19th anniversary ngayong buwan.

Related Chika:
Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples super proud nanay sa panganay: First year of college DONE! Yes ateeee, good job!

Dimples ibabandera ang pinagdaraanan ng mga OFW; hindi sine-censor ang socmed ng anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending