Dimples ibabandera ang pinagdaraanan ng mga OFW; hindi sine-censor ang socmed ng anak | Bandera

Dimples ibabandera ang pinagdaraanan ng mga OFW; hindi sine-censor ang socmed ng anak

Ervin Santiago - October 25, 2021 - 09:07 AM

Dimples Romana, Callie at Alonzo

SIGURADONG magmamarka na naman sa mga manonood ang bagong karakter na gagampanan ni Dimples Romana sa upcoming drama series ng ABS-CBN, ang “Viral Scandal”.

Mapapasabak na naman sa dramahan at aktingan si Dimples bilang isang overseas Filipino worker (OFW) na napilitang umuwi sa Pilipinas matapos maging biktima ng video scandal ang isa niyang anak na gagampanan naman ni Charlie Dizon.

Naniniwala ang aktres na maraming makaka-relate sa role niya sa “Viral Scandal”, “Isa siyang masipag na ina at mapagmahal na asawa. Napakaraming masarap kilalanin sa kanya but more importantly I feel that Kakay Sicat will represent many of us.” 

Kuwento pa niya tungkol sa kanyang role, “Si Kakay dito ay isang OFW, du’n pa lang ay isang pag-honor na ito, bilang tribute sa ating mga bayani. 

“Kung may frontliners dito na doctors and those in the medical industry and in the food industry, outside of the Philippines I feel that Kakay will somehow be able to share kung ano yung pinagdaraanan ng isang OFW.

“Hindi ko man alam kung paano yun exactly but I hope to be able to represent them in a way na alam kong yun yung kadalasang pinagdaraanan nila and I hope to be able to represent that well,” chika pa ng award-winning actress at entrepreneur.

Dagdag pa niya, “And also because nanay ako rito, ang puso kasi ng isang ina hindi mo masukat. Minsan di ba pag magulang ka gusto mo sabihin, ‘Ako na lang yan. Sa akin na lang yan. Yung sakit na yan sa akin mo na lang ipadama.’ 

“Pero as you can see in the trailer doble, triple ang sakit pag nanay na. So paano lumalaban ang isang ina kasama ang buong pamilya niya, simple lang naman yung pamilya Sicat, eh. 

“Paano kung may mga bagay na kinukulang tayo sa materyal pero pinupuno ng pagmamahal ng isang pamilya. How does that come into play when things get rough and almost everything is taken away from you including your good name?” paliwanag pa ni Dimples.

Samantala, bilang isa ring ina sa totoong buhay, ipinaliwanag din ni Dimples kung bakit wala siyang mga rules para sa mga anak na sina Callie at Alonzo pagdating sa paggamit ng social media.

“It would be safe to say, my rule at home is you can make all the mistakes you like here in my house. That way, bilang magulang, ma-guide kita at ma-correct kita. 

“Kasi mahirap pag nakalabas na ang mga anak natin at du’n pa lang nila malalaman kung ano ang mga dapat na basic na core values. Lahat naman tayo nagkakamali. Kahit naman ako, wala na ako sa bahay ng nanay at tatay ko ay nagkakamali pa rin ako.

“Pero importante sa akin na naiintindihan ng mga anak ko na lahat ng ilalagay nila sa social media, bawat sasambitin nila, may epekto sa amin. 

“Sa kapatid niya, sa magulang niya, sa mga kaibigan niya, we have to be accountable for the things that we post online. We have to know that it is our responsibility whether artista ka or hindi, it will have an effect on somebody’s life, whoever is following you.

“So si Callie I don’t censor her posts because sobrang ayos nu’ng bata. Minsan inisip ko, anak ko ba ito? Because iba rin kasi yung tandem namin ni Boyet (asawa niya) bilang magulang. 

“As you know, there is no tolerance of whatever sense of entitlement. Anybody who knows my family would attest to this na yung mga rules namin sa bahay are quite unconventional. 

“But we go by the core basic Filipino family values which is respeto, tiwala, at pagiging matapat. At kung magkakamali ka, akuin mo pagkakamali mo,” tuluy-tuloy na paliwanag ng Kapamilya actress.

Dugtong pa ng celebrity mom, “Hindi ko naman sinabi sa mga anak ko na huwag sila magkamali ever pero kung gusto nila na masubukan at malaman ang opinyon namin at magkamali sila, ay subukan nilang magkamali sa bahay.

“Para du’n pa lang naaayos na natin ang pag-iisip ng ating mga anak. Kasi ako talaga, ang hirap, we are the legacy of our parents. We are the legacy of our families so I’m very cautious. 

“Kasi kung anuman ang gagawin ko, ayoko na bibigyan ko ng ibang ibig sabihin sa pangalan ng tatay ko, eh nasa heaven na siya. Baka from the heaven ay batukan pa niya ako,” natatawang chika pa ni Dimples.

Pahabol pa niyang kuwento tungkol sa mga anak, “Kay Alonzo masyado pang bata para sa akin. Ayoko lang i-expose si Alonzo sa ganu’ng klase ng mundo lalo na’t hindi ko alam ano magiging reaction ko pag may narinig akong hindi maganda at hindi tama towards my children.

“Si Callie kasi nasa tamang edad na siya at nakikita ko naman yung bata may tamang respeto at pagmamahal naman sa ibang tao. I haven’t seen anything Callie posted that was a red flag to me so, so far so good,” lahad ng aktres.

Ka-join din sa “Viral Scandal” sina Jameson Blake, Markus Patterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces at Aya Fernandez. 

Mapapanood na ito sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC IPTV simula sa Nov. 15.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/279469/dimples-romana-24-years-na-sa-showbiz-may-promise-sa-mga-batang-artista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending