Dimples super proud nanay sa panganay: First year of college DONE! Yes ateeee, good job! Bandera

Dimples super proud nanay sa panganay: First year of college DONE! Yes ateeee, good job!

Ervin Santiago |June 21,2022
share this

Dimples super proud nanay sa panganay: First year of college DONE! Yes ateeee, good job!

Ervin Santiago - June 21, 2022 - 07:33 AM

Dimples Romana at Callie Ahmee

MATAPOS mapatunayan na hindi talaga biro ang magpaaral ng anak sa ibang bansa, ibinandera naman ni Dimples Romana ang bagong natanggap na “regalo” mula sa panganay niyang anak.

Proud na proud na ibinahagi ng Kapamilya actress sa madlang pipol sa pamamagitan social media na natapos na ni Callie ang unang taon nito sa kolehiyo.

Ipinost ni Dimples ang mga litrato ng anak sa Instagram ay nilagyan ng mensaheng, “First year of college DONE. Yes ateeee!”

“Doing the big move ALONE from to at 18 freak’n years old, starting college through a very difficult and challenging time for our family, adjusting and studying and everything in between, you made it all work out!!! Talk about true WIT and GRIT,” pahayag pa ni Dimples patungkol sa anak nila ni Boyet Ahmee.

Kasulukuyang nasa Australia si Callie para tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging pilot. Kumukuha siya ng kursong Aviation Management sa Southern Cross University sa Australia.

Sabi pa ni Dimples sa kanyang post, “YOU DID it! You make everything look so easy and fun! Our momma and daddy @papaboyetonline hearts are full knowing that NOT ONLY are you slaying college (like you should!), you’re also having TONS of fun doing so! (And that, my dear, is the key to a happy life!).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


“BALANCE between having discipline and perseverance while also never forgetting that LIFE IS SHORT, and one should not take life too seriously!

“And like what we always say at home—work with INTEGRITY. Never compromise nor let anyone or anything change your moral values in order to SUCCEED in life.

“Follow your heart, chase your dreams hard and keep looking up. Good job ate! We’re super proud of you!” ang message pa ni Dimples sa panganay na anak.

Sa isang panayam, sinabi ni Dimples na baka raw magtrabaho siya agad ilang linggo pagkatapos niyang manganak sa ikatlo niyang baby dahil marami raw siyang responsibilidad.

“Napagtanto ko na kahit gustuhin ko to focus as a mom of a newborn, just like many moms out there, it’s one of the most excruciating sacrifices you will have to do if you have children more than one.

“That you will have to wear different kinds of hats as a mom and in-accept ko na po.

“I guess I will be resting for a few weeks to recover and also to be with baby Elio (ang ipapangalan nila sa isisilang na anak) but in the same manner we also have to get back to work and make sure that our family will be provided for.

“Tag team naman kami ni Papa B (Boyet). Pero sasabihin ko po sa inyo, hindi po kasi mura ang pagpapaaral sa anak sa ibang bansa. Diyos ko po! Talagang ang mga dasal ko ngayon ay doble-doble, napakahaba.

“Pero thank God ko po na kahit papaano ay naibibigay natin sa mga anak natin yung mga pangangailangan nila,” aniya pa.

Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

#BabyBump para kina Dimples at Angelica, sabay magbubuntis: Women supporting women, ganu’n naman dapat di ba?

Alexa Ilacad naka-graduate na sa college: Still my greatest achievement!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending