Erich Gonzales nagparamdam na sa madlang pipol matapos magpakasal sa super rich dyowa Bandera

Erich Gonzales nagparamdam na sa madlang pipol matapos magpakasal sa super rich dyowa

Ervin Santiago |May 25,2022
share this

Erich Gonzales nagparamdam na sa madlang pipol matapos magpakasal sa super rich dyowa

Ervin Santiago May 25, 2022 - 03:00 PM

Erich Gonzales at Mateo Lorenzo

DALAWANG buwan makalipas magpakasal sa kanyang super rich husband, nagparamdam na rin sa wakas si Erich Gonzales sa madlang pipol.

Naging tahimik ang Kapamilya actress sa kanyang pakikipagrelasyon at married status with her long-time boyfriend Mateo Lorenzo.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, ipinost niya ang kanyang litrato habang kumportableng nakaupo sa isang bamboo sofa na todo ang smile.

Makikita rito ang kanyang mga kamay kung saan kitang-kita ang suot niyang wedding at engagement rings.

Bukod pa rito ang close-up shot ng kamay niya habang may hawak na mug at suot pa rin ang dalawang singsing sa kanyang ring finger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)


Isa pang nakita namin sa IG page ni Erich ay ang litrato niya na kuha sa isang exclusive resort sa Benguet. Hindi lang malinaw kung doon sila nag-honeymoon ng kanyang asawa.

Isinikreto kasi ni Erich ang pagpapakasal nila ni Mateo pero bigla itong kumalat nang bumandera ang wedding banns nila sa social media noong Feb. 19, 2022.

Makikita roon ang petsang March 23, 2022 na tumutukoy sa kanilang kasal sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.

Walang anumang announcement o ipinost si Erich sa kanyang social media account nang ganapin na ang kanyang wedding kaya wala pa ring nakitang ebidensya ang kanyang fans.

Nalaman lamang ng publiko na natuloy ang kasal nang mag-post ang kapatid ni Mateo na si Andres de Leon Lorenzo ng isang wedding photo nina Erich at Mateo na  nakaharap sa altar.

Matatandaang sinabi ng Kapamilya actress sa isang panayam noong April, 2017 na una silang nagkakilala ni Mateo hanggang sa magkadebelopan na nga sila sa isa’t isa.

Mas lalo pang umingay ang lovelife  ni Erich nang mismong si Kris Aquino na ang nag-announce na dinalaw ng kanyang rich suitor ang aktres sa set ng pelikula nito sa Siargao sakay ng pag-aari nitong  private plane.

Sa mga hindi pa aware, si Mateo ay isa sa 12 anak ng negosyanteng si Martin Ignacio Lorenzo na may negosyong food retail at manufacturing company ng plastic products.

Angel, Neil ginulat ang madlang pipol: ‘We got married!’

Kyla umiyak nang mapanaginipan ang ‘nawalang’ baby: I didn’t see her face…

Xian Lim payag bang magkaroon sila ni Kim Chiu ng prenup?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending