Angeline Quinto may pa-face reveal ni Baby Sylvio, nagulat sa natuklasan sa partner na si Nonrev | Bandera

Angeline Quinto may pa-face reveal ni Baby Sylvio, nagulat sa natuklasan sa partner na si Nonrev

Therese Arceo |May 21,2022
facebook
share this

Angeline Quinto may pa-face reveal ni Baby Sylvio, nagulat sa natuklasan sa partner na si Nonrev

Therese Arceo - May 21, 2022 - 04:27 PM

Angeline Quinto may pa-face reveal ni Baby Sylvio, nagulat sa natuklasan sa partner na si Nonrev

IBINANDERA ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang mukha ng kanyang anak  na si Baby Sylvio sa madlang pipol nitong Biyernes, May 20.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang cute na cute na larawan ng anak habang tahimik itong natutulog.

“Everyone, meet our little bundle of love Aziel Sylvio Quinto Daquina,” saad ni Angeline sa kanyang post.

Umulan naman ng comments ang naturang post ng mangangawit dahil super happy sila na finally ay natupad na ang pangarap nito na magkaanak at magkapamilya lalo na’t nauna nang mamaalam ang kanyang Mama Bob.

“Gwapo mannn uyyyy!!! i love you baby sylvio!!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Bakit nakakaiyak? You are precious baby sylvio.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

 

“Kamukha ng daddeey!” dagdag naman ng isa.

Sey naman ng isa, “Congrats again Miss Angeline. Sending hug and kisses sweet little Sylvio.. God bless u both.”

Samantala, for the first time ay nagsalita na ang non-showbiz boyfriend at ama ng anak ni Angeline na si Nonrev ukol sa kanilang relasyon na mapapanood sa latest YouTube vlog ni Angeline.

Noon pa man ay naging bukas na si Angeline na hindi masyadong sanay sa limelight at mahiyain si Nonrev kaya naman malaking bagay ang interview na ito para sa kanilang dalawa.

Isa sa mga napag-usapan nila ay ang usaping pera.

Marami kasi ang nagsasabi na pera lang daw ang habol ng lalaki kay Angeline.

“Ako talaga yung pineperahan dito. Joke lang,” nakatawang saad ni Nonrev.

Dito ay ibinunyag ni Angeline na sa tuwing nauubusan siya ng cash ay ang kanyang dyowa ang nagbabayad pero ang nakakatawa rito ay nililista itong lahat ni Nonrev.

“Ako pa yung namemera sa kanya. Totoo ‘to kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa cellphone ko, so every time magkukulang ‘tong pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap tapos magugulat na lang ako, nakalista lahat. Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga,” kuwento niya.

Pagpapatuloy ni Angeline, “”Minsan yung GCash niya ubos na rin pero kailangan na kailangan ko magbayad sa Grab, lalo na nung buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash, GCash niya ubos na, so from bangko niya magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad. Nakakatawa yun.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: ‘Hello, Baby Sylvio!’

Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

Angeline tinupad ang pangakong isusunod ang pangalan ng anak kay Mama Bob: ‘Motherhood: unlocked!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending