Angeline tinupad ang pangakong isusunod ang pangalan ng anak kay Mama Bob: 'Motherhood: unlocked!' Bandera

Angeline tinupad ang pangakong isusunod ang pangalan ng anak kay Mama Bob: ‘Motherhood: unlocked!’

Ervin Santiago |April 29,2022
share this

Angeline tinupad ang pangakong isusunod ang pangalan ng anak kay Mama Bob: ‘Motherhood: unlocked!’

Ervin Santiago April 29, 2022 - 07:03 AM

Angeline Quinto at Baby Sylvio

TULAD ng ipinangako ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto, isinunod niya ang pangalan ng panganay na anak sa yumao niyang ina na si Mama Bob.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, pormal na ipinakilala ni Angeline sa madlang pipol ang bagong silang niyang anak na si Baby Sylvio.

Isang litrato ang ipinost niya sa IG kahapon, April 28, kung saan makikita siyang nakaupo sa hospital bed habang kalong si Baby Sylvio. Nilagyan niya ito ng caption na, “Motherhood: unlocked!”

Ayon sa biriterang singer, isinalang niya ang sanggol nitong nagdaangvApril 27, 10:22 p.m. at ang buong pangalan daw nito ay Aziel Sylvio Quinto-Daquina na may timbang na 6 lbs. at habang 9 inches nang ipanganak.

Isinunod nga ni Angeline at ng kanyang non-showbiz boyfriend ang pangalan ng kanilang anak sa adoptive mother ng singer na si Mama Bob na ang real name ay Sylvia Quinto na sumakabilang-buhay na noong November, 2020.

Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin ipinakikilala ni Angeline sa publiko ang tatay ng anak para mapanatili ang pagiging pribado ng kanilang relationship at malayo sa tsismis at intriga.

Kamakailan, nabanggit ng bagong celebrity mommy na mas priority nila ngayon ng kanyang partner si Baby Sylvio kaya wala pa sa plano nila ang pagpapakasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“Kapag kasi kasal, ibang usapan na ‘yun. Gusto ko ‘yung tamang proseso at paghahanda para sa kasal. Sana iyon na muna. Ngayon, ang pinaka-priority ang bata. Sa future, kung ikakasal kami, siyempre magpapasalamat ako,” pahayag ni Angeline bago siya manganak.

Nauna rito, masayang ibinahagi ni Angeline sa publiko ang pagsilang ni Baby Sylvip sa pamamagitan kanyang Instagram Story kung saan makikita ang isang orasan na matatagpuan sa loob ng isang ospital kung saan siya nanganak.

Ang caption dito ni Angeline ay, “10:22 p.m., 27 April 2022…HELLO, BABY SYLVIO!”

At bago nga siya mag-labor kamakalawa ay nag-post din ang Kapamilya singer ng kanyang litrato na labas ang kanyang maumbok na tiyan at may caption na, “Ready to pop!”

Sa comment section, nag-comment ang kanyang mga supporters and celebrity friends na ipagdarasal ang kanyang safe delivery, kabilang na riyan sina Angel Locsin, Dimples Romana, Melai Cantiveros, KZ Tandingan, Vina Morales, Jona, Bugoy Drilon, Jason Dy at Amy Perez.

Matatandaang kinumpirma ni Angeline na siya’y nagdadalang-tao sa panayam sa kanya ni Boy Abunda last December, 2021. Ngunit tumanggi siyang pangalanan kung sino ang tatay ng bata.

“Excited na excited ako. Ngayon lang ako naging excited nang ganito sa buhay ko. Siyempre hindi naman mawawala sa mga iniiisip ko kung paano bang maging nanay.

“Parang hindi na ako mahihirapan kasi ang daming mga nanay na malapit sa akin, at unang-una, napalaki naman ako nang maayos ng Mama Bob (yumaong nanay ni Angeline).

“Ako, I’m sure, magiging mabuting nanay din ako sa anak ko. Iyon ‘yung habang buhay kong babaunin, e, lahat ng mga naiwan sa akin ng Mama Bob. Hindi na ‘yung materyal na bagay. Ang akin, ‘yung mababaon ko talaga hanggang pagtanda ko, ‘yung mga natutunan ko kay Mama,” aniya pa sa nasabing panayam.

Angeline pinatunayang hindi tomboy: Naging dyowa ko nga raw po si KC Concepcion!

Angeline umaming 1 year nang may dyowa: Nakilala siya ni Mama Bob, kilig na kilig nga, eh!

Angeline nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ina, pero nakatagpo ng mga bagong ‘nanay’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending