Nikko sa pagsabak sa politika: Help n'yo 'ko mag-decide para 'di na ko mag-post ng kagaguhan at kabastusan | Bandera

Nikko sa pagsabak sa politika: Help n’yo ‘ko mag-decide para ‘di na ko mag-post ng kagaguhan at kabastusan

Alex Brosas |May 15,2022
facebook
share this

Nikko sa pagsabak sa politika: Help n’yo ‘ko mag-decide para ‘di na ko mag-post ng kagaguhan at kabastusan

Alex Brosas - May 15, 2022 - 09:14 AM

Nikko Natividad

Nikko Natividad

KALOKA itong si Nikko Natividad. Parang nag-trip na naman siya sa kanyang Instagram account.

Sumakay kasi ito sa political wave. Parang tinetesting niya ang kanyang followers kung susuportahan siya ng mga ito once na mag-decide siyang pumasok sa politika.

“Takbo naba kong konsehal next campaign? Help nyo ako magdecide para di nako mag post ng kagaguhan at kabastusan. Para alam ko kung mag change nako image,” post niya sa kanyang Instagram account.
In fairness, ang daming nag-react sa panagawan ng actor-dancer.

“Pwede! Hahaha! Nanalo nga si Robin Padia na top senator this election eh. Hahahaha.”

“Pwede ka po sa Senado, artista ka naman. Baka mag-number 1 ka pa.”

“Takbo ka kahit senador sayawan mo na lang ng Budots manalo ka na dahil yan ang gusto ng mga tao ngayun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)


“Magstart ka ng gumawa ng mga action movies patok yan sa mga botante…alam mo na un. sure win k besh.”

“Wag kang magchange ng image, panalo ka jan yan ang gusto ng mga Pinoy, ang joker sa gobyerno.”

“It is just a matter of choice. You don’t need to run as councilor just to change your image.
Whether you are an ordinary person or famous, you always have two choices. All you have to do is to choose.”

“Kung tatakbo ka po daapt po bukal sa puso po. At malasakit sa mga nasasakupan mo. Pero wag kana tumakbo. Masaya n kme n napapasaya mo kme sa ganyang paraan.”

* * *

Nanguna ang Sample King at “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario sa mga tumakbo bilang Councilor sa First District of Makati City.

Sa kanyang Instagram post ay ipinakita ni Jhong ang ilang photos na kuha sa kanyang opisina at sa konseho ng Makati. Isang simpleng “Back to work! #HilarioCares” ang kanyang caption sa ilang photos niya.

Agad-agad namang nagpadala ng mensahe ang “It’s Showtime” family niya sa pangunguna ni Amy Perez who said, “Congratulations my dear @jhonghilario miss you much!”

“Congrats, Ser @jhonghilario!!!” say naman ni Jugs Jugueta.

“Congratulations Sir,” pagbati ni Vhong Navarro.

“Congratulations Kuys Konsi @jhonghilario,” say ni Randy Santiago.

“Congratsssss kuya Jhooonggggg,” pagbati naman ni Hashtags member Zeus.

Nagpakita rin ng suporta ang partner ni Jhong na si Maia Azores.

“My 3-termer #1 Councilor! Maraming salamat sa lahat ng naniniwala, sumusuporta, nagmamahal at tumutulong sakanya para magawa niya ang mga bagay na malapit sa puso niya, ang pagseserbisyo at pagpapasaya ng tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi niya ito magagawa kung wala kayo. #HilarioCares #TeamUbe Sarina and I are so PROUD of the man you are!” caption nito sa photo na kasama niya ang actor-TV host.

RELATED CHIKA
Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera
Nikko: Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare pa ren samen gabe-gabe…
Hashtag Nikko kinampihan si Arjo: Ate masama magpakalat ng fake news baka magsara ang…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending