VG Jolo Revilla prayoridad na itaas ang sahod ng mga manggagawang Caviteño
ISUSULONG ni Vice Governor Jolo Revilla ang pagsusulong na itaas ang sahod ng mga manggagawa, partikular na ang pagpantay ng suweldo ng labor sector mula sa kanyang lalawigan at mga karatig-probinsya sa National Capital Region (NCR).
Bilang patunay sa kanyang dedikasyon upang maisakatuparan ang layuning ito, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite ang Resolution No. 1944-2022 na naghihimok sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board IV-A upang itaas ang sahod ng mga manggagawang Caviteño.
Isinagawa din ang isang malawakang konsultasyon sa pagitan ng formal establishments at ng labor sector upang tukuyin kung paano maisasakatuparan ang dagdag na sahod na hirit ng mga petitioner ng dagdag sahod base na rin sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin ayon na rin sa Basic Necessities and Prime Commodities ng NEDA.
View this post on Instagram
“Samahan niyo ako sa labang ito dahil mas maisusulong pa natin ang dagdag sahod na kay tagal na nating hinahangad para sa mga manggagawa hindi lamang sa ating probinsya kundi pati sa mga karatig-probinsya para naman makapantay nila ang sahod sa NCR. Panahon na dahil kailangan nating ibsan ang hirap ng mga manggagawa na araw-araw problema ang panggastos at patuloy na pagtaas ng bilihin,” pahayag ni Revilla.
Nakatakdang mailunsad ang Public Hearing ng DOLE sa May 16 sa Legislative Building ng Lalawigan ng Cavite upang talakayin kung magkano ang itataas na sahod ng mga Manggagawang Caviteño. Inaasahan na matapos ang 30 days ay maisasakatuparan na ang pagtaas ng sahod sa lalawigan.
Other Stories:
Jolo tatakbong kongresista sa Cavite; Bong balik-taping para sa ‘Agimat ng Agila book 2’
Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas
Unemployment insurance isusulong ni Jinggoy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.