Jolo Revilla, Angelica Alita may baby na

Jolo Revilla, Angelica Alita may baby na makalipas ang 5 years na pagsasama 

Pauline del Rosario |February 01,2024
facebook
share this

Jolo Revilla, Angelica Alita may baby na makalipas ang 5 years na pagsasama 

Pauline del Rosario - February 01, 2024 - 12:40 PM

Jolo Revilla, Angelica Alita may baby na makalipas ang 5 years na pagsasama 

PHOTO: Facebook/Jolo Revilla

MAY baby na ang mag-asawang Angelica Alita at Jolo Revilla!

Ang masayang balita, ibinandera mismo ng politician-actor sa social media.

Ramdam ang saya at tuwa ng mag-asawa dahil after five years mula nang ikinasal sila ay finally may panganay na anak na sila.

“Today is a very special day for us,” sey ni Jolo sa isang Facebook post kalakip ang picture nilang tatlo habang nasa ospital.

Dagadga pa niya, “We are very happy and grateful to announce the birth of our beautiful and healthy baby girl.”

“We would also like to thank everyone for their prayers and warm wishes,” ani pa niya.

Baka Bet Mo: Jolo Revilla gusto ng 6 na anak; Lani Mercado winner sa bet nila ni Bong Revilla sa gender reveal party

Bago pa manganak si Angelica, nagkaroon ng Facebook live streaming si Jolo habang binabantayan ang kanyang misis.

 Ayon sa mag-asawa, 17 hours nag-labor si Angelica at okay naman ang kondisyon niya. 

Inihayag din ni Jolo ang kanyang excitement na makita na ang kanilang baby girl.

“Ako sobrang excited ko na at alam kong excited na rin kayong ma-meet ang aming baby girl,” sambit niya sa FB live.

  

Si Jolo ay kasalukuyang nagsisilbi bilang first district representative ng Cavite.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

February 2019 nang unang isinapubliko ng couple ang kanilang relasyon at Disyembre ng parehong taon nang sila’y ikinasal sa California.

Magugunita naman noong Agosto ng nakaraang taon nang ibinunyag ng mag-asawa sa isang intimate party na magkakaroon na sila ng baby girl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending