Jolo inakalang iiwan ni misis dahil sa high-risk pregnancy

Jolo Revilla inakalang iiwan na ni misis dahil sa ‘high-risk pregnancy’

Pauline del Rosario |February 04,2024
facebook
share this

Jolo Revilla inakalang iiwan na ni misis dahil sa ‘high-risk pregnancy’

Pauline del Rosario - February 04, 2024 - 10:24 AM

Jolo Revilla inakalang iiwan na ni misis dahil sa 'high-risk pregnancy'

PHOTO: Facebook/Jolo Revilla

TAKOT na takot ang actor-politician na si Jolo Revilla matapos magkaroon ng komplikasyon sa panganganak ang kanyang asawa na si Angelica Alita.

Sa isang Facebook post, ibinandera ni Jolo ang isang documentation video habang nagle-labor ang misis sa isang ospital sa Los Angeles, California.

Kasabay niyan ay ibinunyag ni Jolo na nakaranas ng high-risk pregnancy si Angelica.

“Sa panahon na kami ay regular na nagpapa-check-up, napag-alaman na mayroon siyang circumvallate placenta, ito ay abnormalidad sa placenta na siyang bumabalot sa sanggol habang siya ay nasa sinapupunan,” paliwanag niya.

Bagamat masayang-masaya siya na malusog ang kanilang anak na si Lauren, nakaramdam din ng kaba at takot ang aktor dahil sa naging kondisyon ni Angelica matapos manganak.

Ang akala pa nga ni Jolo ay iiwan na siya ng asawa dahil nawalan ito ng maraming dugo, pero laking pasasalamat niya na lumaban si Angel at naging mabuti ang kalagayan.

Baka Bet Mo: Jolo Revilla gusto ng 6 na anak; Lani Mercado winner sa bet nila ni Bong Revilla sa gender reveal party

“Ang aking maybahay na si Angel ay nagkaroon ng komplikasyon na nagdulot ng walang tigil na pagdugo na kinailangan pang salinan siya ng dugo matapos niyang ipanganak si Baby LA,” sey niya.

Wika pa niya, “Walang pagsidlan ang aking takot at kaba at pakiramdam ko ay iiwan na kami ng aking asawa.”

“Pero mahal kami ng Diyos, miraglong nalagpasan namin ang paghihirap ni Angel, nilabanan niya din ang kanyang kalagayan at ngayon ilang araw na ang nakalipas siya ay patuloy nang nagpapalakas,” chika ni Jolo.

Sa hiwalay na FB post, nagpasalamat ang politician sa lahat ng nag-alay ng dasal at suporta para sa kanyang pamilya.

Super thankful din siya sa kanilang doctor dahil nailigtas nito ang buhay ng kanyang misis.

“Grateful beyond words for the incredible skill and dedication of Dr. Steve Rad. His expertise and care made all the difference in saving my wife’s life. Thank you, Dr. Rad. We are blessed beyond measure,” sambit niya sa caption kalakip ang picture nila.

Kamakailan lang, proud na proud na inanunsyo ni Jolo na magkaka-baby na sila ni Angelica makalipas ang limang taon na pagsasama.

Inihayag pa nga niya sa naunang social media post na excited na siyang makita at ma-meet ang magiging prinsesa nila ng asawa.

Si Jolo ay kasalukuyang nagsisilbi bilang first district representative ng Cavite.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

February 2019 nang unang isinapubliko ng couple ang kanilang relasyon at Disyembre ng parehong taon nang sila’y ikinasal sa California. 

Magugunita naman noong Agosto ng nakaraang taon nang ibinunyag ng mag-asawa sa isang intimate party na magkakaroon na sila ng baby girl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending