Unemployment insurance isusulong ni Jinggoy | Bandera

Unemployment insurance isusulong ni Jinggoy

Jan Escosio - April 03, 2022 - 11:10 AM

UPANG matulungan ang libu-libong manggagawang nawawalan ng trabaho dahil sa pandemya o kalamidad, sinabi ni dating Senador Jinggoy Estrada na isusulong nya ang tinatawag na unemployment insurance sakaling makabalik sa Senado. 

Tumatakbo bilang senador sa ilalim ng UniTeam Alliance, sinabi ni Estrada na kailangan ang unemployment insurance upang may mabalingan ang mga Pinoy na biglang natatanggal sa trabaho. 

Ani Estrada, libu-libong maliliit na negosyo ang nagsara dahil sa pandemya. At dahil malabo nang magbukas muli ang karamihan sa kanila, dapat tulungan ng pamahalaan ang mga biglang nawalan ng pagkakakitaan, aniya. 

Bukod sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at Overseas Workers Welfare Authority (OWWA), halos wala nang mapuntahan ang mga na-lay off sa kanilang trabaho. 

“Kung hindi pautang, ang maaring makuha lang nila ay SSS loan o kaya’y maliit na tulong pinansyal na kailangan din nilang bayaran.

“Ang aking panukala ay maglaan ng pondo ang pamahalaan upang madagdagan ang benepisyong makukuha ng mga male-lay off sa trabaho,” ani Estrada 

Dahil ito’y insurance, mayroon pa ring maliit na premium ang mga manggagawa.

Dadagdagan lang ito ng pamahalaan upang mas mahaba ang kanilang panahon sa muling paghahanap ng bagong trabaho, paliwanag ng beteranong mambabatas. 

Ayon sa pangulo ng Pwersa ng Masang Pilipino, ang unemployment insurance ay matagal nang ginagawa sa ibang bansa. 

Karaniwan itong tumatagal ng anim na buwan upang may sapat na palugit ang manggagawang makahanap muli ng pagkakakitaan. 

https://bandera.inquirer.net/307521/jake-ejercito-jinggoy-estrada-tanggap-ang-pagkakaiba-ng-pananaw-sa-politika

https://bandera.inquirer.net/294926/jake-lalaban-para-kay-vp-leni-jinggoy-game-pa-rin-sa-showbiz-at-public-service

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305767/korina-kinarir-ang-superhero-themed-birthday-party-nina-pepe-pilar-puro-matatanda-ang-guest-list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending