Janelle Tee hindi suportado ng pamilya sa pag-aartista: Maraming dumarating na opportunities and I’m really grateful
ANG isa sa lead actress sa pelikulang “Pusoy” na si Janelle Tee, Miss Philippines Earth 2019 ay umaming risk taker kaya may pagkakataong hindi sila naging okay ng pamilya niya.
Nabanggit ito sa nakaraang digital mediacon ng “Pusoy” na mapapanood sa Vivamax sa May 27 mula sa direksyon ni Philip Giordano na prinodyus ni Brillante Mendoza for Viva Films.
Inihambing ni Janelle ang buhay niya sa sugal at ito nga ang pagiging risk taker niya, “I know what I want and make it happen ganu’n ang personality ko. Siguro the best decision at pinakamahirap din was to really chase my dream of becoming a beauty queen and an artista ngayon.”
At dito inamin niyang hindi siya suportado ng pamilya niya.
View this post on Instagram
“Kasi lahat talaga most especially my family, you know doesn’t support me parang …. baka maiyak ako (teary eyed).
“Mahirap sobra! Risk taker ka nga, so, walang kasiguraduhan ‘yung pangarap mo kung baga and a lot of doors really closed on to me, ang daming NO, ang daming rejection, and ‘yung family mo hindi rin naniniwala sa pangarap mo, so, ‘yun ‘yung pinaka grabe na risk na up to this day, you know I pursuing it.
“But it’s all worth it kasi nga if there in your heart, God really planted it for a reason, eh, kung baga hindi ka matatahimik,” pagtatapat ni Janelle.
At sa rami ng challenges ni Janelle ay heto ay unti-unting natutupad na ang pangarap niya bilang artista.
Bukod sa Pusoy ay kasama si Janelle sa “Kinsenas, Katapusan” at big break niya ang “Putahe” dahil sila ni Ayanna Misola ang pinaka-bida.
Sa pagpapatuloy ni Janelle, “Yes with God’s guidance parang kung kailan ako, (nagsabing) ‘parang wala na talaga na parang nag give-up ka na kasi walang dumarating. Pero ngayong maraming dumarating na opportunities and I’m really grateful and I’m giving my best sa lahat ng proyekto na ibinibigay sa akin.”
Anyway, bukod kay Janelle ay kasama rin sa “Pusoy” sina Vince Rillon, Angeli Khang, Jela Cuenca at Baron Geisler.
Related Chika:
Direk Roman Perez umaming certified ‘Marites’: Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan…
Teejay Marquez pinahirapan nang bongga sa ‘Takas’; gumapang, tumakbong nakapaa sa gubat
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.