Teejay Marquez pinahirapan nang bongga sa ‘Takas’; gumapang, tumakbong nakapaa sa gubat
Teejay Marquez at Janelle Lewis
CHALLENGE para kay Teejay Marquez ang karakter niyang Jake sa pelikulang “Takas” bilang sikat na artista na kinidnap at ikinulong ng babaeng fan.
Ang karakter ng nasabing obsessed fan na may problema sa utak ay ginagampanan naman ni Miss World Philippines 2021 Second Princess Janelle Lewis.
Sa dami ng mga project ni Teejay ay ngayon lang siya gumawa ng psychological thriller movie mula sa direksyon ni Ray An Dulay na isinulat ng asawa niyang si Joyzell Dulay na mula naman sa HandHeld Entertainment Productions ni Kate Javier.
Mahirap ang karakter ng aktor kaya natanong kung saan siya humugot para magawa niya ang kakaibang role niya.
“’Yung hugot po kasi marami akong experiences sa family, sa friends siguro isinabuhay ko po talaga bilang si Jake na kung ano ang gagawin ko sa sitwasyon na ‘yun and isinabay ko na lang lahat ng pinagdadaanan ko, pinagsasama-sama ko kasi iyon ang kailangan, survival so nakatulong naman.
“Ang nasa isip ko lang ay gagawin ko na ang lahat para makawala (kay Janelle), so binuhos ko na lahat, ito na ‘yung hinga ko kasi survival na ito, baka hindi na ako makawala,” kuwento ni Teejay.
Iba’t ibang emosyon kasi ang ipinakita ng aktor sa “Takas” — umiiyak at malungkot dahil gusto na niyang makatakas sa kidnapper niya, masaya at tumatawa kapag kinukuha niya ang simpatya ni Belle (Janelle) habang pinahihirapan siya.
Mahirap ang shooting ng “Takas” dahil ginawa ito sa isang masukal na gubat na papasok para makarating sa magandang bahay ni Belle na hindi ka rin basta makakalabas dahil sa mga bodyguard nito.
Sa kuwento ng pelikula ay mas umangat ang karakter ni Belle bilang obsessed kay Jake na okay lang kay Teejay dahil nga ipinakita na kaya nagawa ng karakter ni Janelle na sobra ang pagmamahal niya kaya lahat ay gagawin para mapasakanya ang taong mahal niya sa anumang klaseng paraan.
Inamin din ng aktor na ‘yung eksenang tumatakas siya at binabaybay ang masukal na gubat na tumatakbong walang sapin sa paa at gumagapang ay hindi na niya naisip kung may madadaanan siyang mga bubog o basag na bote, mga dumi ng tao, putik at iba pa.
“Kasi ang mindset ko at that time ay magawa ko nang maayos ang eksena, huli na nang maisip ko na oo nga paano kung may mga bubog, e, di nagkasugat-sugat ako, good thing wala naman,” saad ni Teejay.
View this post on Instagram
Samantala, ilang taong namalagi sa Indonesia si Teejay dahil marami siyang projects doon at napilitan siyang umuwi noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Kaya sa ginanap na face-to-face mediacon ng “Takas” ay natanong siya kung for good na ba ang pananatili niya sa Pilipinas.
“They’re asking nga po kung kailan ako babalik kaso may pandemic at bumabalik-balik pa, at nakakatakot po kasi kung maiiwan akong mag-isa roon wala akong pupuntahan kung sakaling magkaroon ng surge.
“But since may kontrata naman ako sa kanila hopefully makabalik ako for special projects, pero as of now lahat ng projects ko ngayon ay dito sa Pilipinas at sobrang blessed po ako,” paliwanag ng aktor.
Maraming gagawin sa GMA 7 si Teejay ngayong taon at isa na nga riyan ang “Mano Po Legacy: The Family Fortune” na co-produced ng Regal Entertainment.
Sa Feb. 15 na mapapanood ang “Takas” via KTX.ph at www.iamrad.app. At ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng HandHeld Entertainment Productions na pag-aari ni Kate ang part 2 ng pelikula at kaabang-abang ito dahil nga sa naging ending ng movie.
Speaking of Kate Javier, debut film niya ang “Takas” na isa ngang psychological suspense-thriller at nagustuhan niya ang istorya nang i-pitch ito ng kaibigan niyang direktor kaya agad-agad ay pinlano na nila kung paano ito isu-shoot.
Accountant by profession si Kate at 17 years siyang tumira sa Bermuda bilang finance officer at auditor sa kilalang insurance company at bumalik ng Pilipinas para dito na mamalagi at magtayo ng resort business kasama na ang pagpo-produce ng pelikula. Sa kanila rin ang Nile Bar and Grill na pinamamahalaan ng kanyang chef husband.
https://bandera.inquirer.net/294275/joey-marquez-2-beses-pinatay-sa-social-media
https://bandera.inquirer.net/296653/lassy-marquez-mebenta-sa-mga-gwapong-american-at-australian-no-money-involved-talaga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.