BFF ni Claudine na si Janelle Jamer bumanat sa bashers: Wag maging mapanghusga na akala n'yo ang pe-perfect n'yo Bandera

BFF ni Claudine na si Janelle Jamer bumanat sa bashers: Wag maging mapanghusga na akala n’yo ang pe-perfect n’yo

Ervin Santiago |April 13,2022
share this

BFF ni Claudine na si Janelle Jamer bumanat sa bashers: Wag maging mapanghusga na akala n’yo ang pe-perfect n’yo

Ervin Santiago - April 13, 2022 - 06:28 PM

Claudine Barretto at Janelle Jamer

IPINAGTANGGOL ng TV host na si Janelle Jamer ang kanyang BFF na si Claudine Barretto matapos itong kuyugin ng bashers nang dahil sa pagbanggit na naman sa yumaong aktor na si Rico Yan.

Nagsimula ito sa announcement ni Claudine na ang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang susuportahan niya ngayong darating na May 9 elections.

Dito, nasabi nga ni Claudine na ang namayapa niyang boyfriend na si Rico Yan ay isang “true blooder Marcos” at BBM admirer. Agad itong nag-trending at nag-viral sa social media.

Pati raw ang nanay ni Rico na si Teresita Castro-Yan ay “BBM rin” sey ng aktres tulad din ng nanay niyang si Inday Barretto.

Ito raw ang nakasulat sa deleted screenshot ng sagot umano ni Claudine sa isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post, “It was about year 2000 when we met with President Duterte. In that same year we met Maam Sara & lastly BBM.

“Rico looked up to these people. Our whole family is BBM, only Marjorie and her kids are Leni.

“Tita Sita Yan & I & my Mom BBM rin po. Pls let us respect everybody. Stay safe and God bless all of you,” mensahe pa ng aktres na tumatakbong konsehal sa Olongapo City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


Maraming netizens ang na-bad trip kay Claudine dahil dito at halos iisa ang kanilang komento — bakit daw kailangan pa niyang kaladkarin ang pangalan ni Rico sa usaping politika gayung matagal na itong pumanaw.

Bukod dito, kung anu-ano pang masasakit at maaanghang na salita ang ibinato nila sa aktres kaya naman nagsalita na ang best friend ni Claudine na si Janelle Jamer na naging co-host ni Willie Revillame sa dating noontime show nito sa ABS-CBN na “Wowowee” (2005 hanggang 2007).

Pagtatanggol ni Janelle kay Claudine, “Dami nanaman bashers. Hehe dyan naman makikita Kung Paano tayo rumispeto sa kapwa natin at sa karapatan ng bawat isa.

“Di nyo Kailangan manira, Mang-away at mambash. Yan ba ang gusto nyo gayahin ng mga undecided voters? Ang maging mapanira oh maging bastos?

“Kung May gusto Kayo na iba. Eh Di kampanya nyo ng maayos. Wag Puro bash and negativity,” depensa ng TV host.

Dugtong pa niya, “Kasi sa dami ng Pinagdadaanan ng bansa natin eh Wala ng space para sa negativity. Matuto nlng tayo magrespetohan at iimprove ang mga sarili natin. Wag mapang husga na Akala nyo ang peperfect nyo.”

Karen sa chikang ineendorso si Bongbong Marcos: I’m not campaigning for any candidate, trabaho po ito

Hirit ni Toni sa mga tagasuporta nina BBM at Sara: Sabi nila bayad daw po ako…bayad po ba kayo?

Angel, Judy Ann, Sofia nakatanggap ng regalo mula kay Marian: Maraming salamat ganda!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending