Hamon ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: Iboto mo si Leni kung hindi... | Bandera

Hamon ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: Iboto mo si Leni kung hindi…

Therese Arceo |May 05,2022
facebook
share this

Hamon ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: Iboto mo si Leni kung hindi…

Therese Arceo - May 05, 2022 - 09:04 PM

Hamon ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: Iboto mo si Leni kung hindi...

MAY hamon ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa kanyang basketbolistang dyowang si Ricci Rivero ngayong darating na eleksyon.

Sa kanyang latest TikTok video ay ipinahayag niya ang kanyang pormal na pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.

“Sigurado na ‘ko kay Leni pero alam ko naman na yung iba, undecided pa, o may ibang sinusuportahan. Alam ko na yan, yung isa nga sinagot ko pa e,” saad ni Andrea sa kanyang TikTok video.

Malinaw naman na ang dyowa niyang si Ricci ang pinaparinggan nito.

Dagdag pa ni Andrea, “Naku, naku, naku, naku. Bebe, kung napapanood mo ito, iboto mo si Leni kung hindi…

“Charot lang. Hindi ako diktador. O baka may mag-react, a. Daanin natin sa maayos na pakiusap. O kayong may mga dyowa, alam n’yo na ang gagawin n’yo ha.”

 

@blythe Paano nga ba magmahal? #IpanaloNa10toParaSaLahat #LeniKikoAllTheWay #fyp #trending #election2022 #LeniRobredo ♬ Music In Your Heart (Instrumental) – BLVKSHP

 

Matatandaang nitong mga nagdaang araw ay laman ng social media ang magdyowang sina Andrea at Ricci dahil sa kanilang magkaibang paniniwala sa politika.

Nag-out na kasi bilang “kakampink” si Andrea at present rin ito sa nagdaang Pasay Grand Rally ng tambalang Leni-Kiko noong April 23 samantalang si Ricci naman ay nagpakita ng pagsuporta sa presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Kaya naman gumagawa ng paraan ang dalaga upang mahikayat ang dyowa na piliin at suportahan rin ang kanyang kandidato.

Nag-viral rin ang mga Instagram stories ni Ricci kung saan makikitang nilagyan ni Andrea ng rosas stickers ang kanyang red car maging ang tumbler nito.

Kaya naman labis ang ginagawang pangumgumbinsi ng aktres sa mga taong malapit sa kanya na piliin si Leni dahil ito raw ang katibayan o tanda ng kanyang pagmamahal para sa mga ito.

“Alam niyo ba kung bakit gusto kong i-convert lahat ng kakilala at mahal ko para kay Leni? Kasi ang pagsuporta ko kay Leni, proof yon ng pagmamahal ko sa kanila.

“Kasi kung mahal mo ang isang tao, pamilya man, kaibigan o jowa, gusto mo malaya siya. Malayang mangarap at malayang tuparin ang mga pangarap niya,” saad ni Andrea.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Andrea Brillantes sinusubukang hikayatin si Ricci Rivero para maging ‘Kakampink’

Ricci Rivero sa pag-convert sa kanya ni Andrea: This isn’t about her being a perfect girlfriend

Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending