Ricci Rivero sa pag-convert sa kanya ni Andrea: This isn't about her being a perfect girlfriend | Bandera

Ricci Rivero sa pag-convert sa kanya ni Andrea: This isn’t about her being a perfect girlfriend

Therese Arceo |April 27,2022
facebook
share this

Ricci Rivero sa pag-convert sa kanya ni Andrea: This isn’t about her being a perfect girlfriend

Therese Arceo - April 27, 2022 - 03:17 PM

Ricci Rivero sa pag-convert sa kanya ni Andrea: This isn't about her being a perfect girlfriend
MARAMI ang bumatikos sa aktres na si Andrea Brillantes matapos nitong ipahayag sa madlang pipol na sinusubukan niyang hikayatin ang kanyang basketball player-boyfriend na si Ricci Rivero na maging isang kakampink.

Sa kabila ng mga pamba-bash ay mas pinangalandakan pa ng basketball player-model ang mga efforts ng kanyang kasintahan para mahikayat siyang suportahan si Vice President Leni Robredo at buong tRoPang Angat.

Sa mga hindi aware, magkaiba ang mga kandidatong sinusuportahan ng dalawa. Si Andrea kasi ay certified kakampink samantalang si Ricci naman ay sumusuporta kay Bongbong Marcos.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang mga ginawa ng aktres para mahikayat siya.

Una ay nilagyan ni Andrea ang red car ni Ricci ng pink sticker na may text na “kulay rosas ang bukas”.

Sa mga sumunod na IG stories ni Ricci ay maging ang phone case at tumbler niya ay may sticker na pink roses.

Binigyan rin ni Andrea ang dyowa ng “Husay at Tibay” pins na nasa ID lace ng binata pati na rin ng pink bracelet.

Saad ni Ricci, “Sa mga may chance magalit na ginawa niya to, hindi po dapat kasi ang sabi ko sa kanya kung ano yung feel niya na pwede niya gawin go lang.

“So if sakin ok lang, sana sa inyo rin po! She’s just really trying to make me believe sa kung kanino siya naniniwala.”

 

 

May hirit rin ang iba na “nagpapanggap” lang daw siya na “converted” Kakampink na dahil sa kanyang mga IG stories.

“Sa mga nagagalit diyan na I’m pretending that she converted me already, that’s not the point of me posting all these. I’m just saying na she’s trying and doing something para sa paniniwala niya.

“I respect her for that and kung hate lang ang dala niyo then ‘wag niyo na lang po i-open stories ko. I’m just proud of what my girlfriend’s doing,” pagpapatuloy ni Ricci.

Dagdag pa niya, hindi lang naman daw siya ang sinusuukang hikayatin ni Andrea na iboto si VP Leni Robredo.

Sey ni Ricci,“I’m not the only person she’s trying to convert kasi ang gusto niya is mapaalam sa tao especially nasa paligid niya na kung sino yung tingin niya best for our country.

“Kasama ako dun sa mga ‘yun and this isn’t about her being a perfect girlfriend or whatever, it’s about her doing her part to let people know, understand, and believe in someone who she thinks is best to serve all of us.”

Matatandaang noong Lunes, April 25, nang ibinahagi ni Andrea sa kanyang Twitter account na nahikayat na rin niya ang kaniyang lola at driver na maging kakampink.

 

Related Chika:
Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ricci Rivero ‘nag-propose’ kay Andrea Brillantes pagkatapos ng UAAP game: Grabe naman yun, Lord!

Andrea Brillantes sinusubukang hikayatin si Ricci Rivero para maging ‘Kakampink’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending