Rayver niregaluhan ng mamahaling piano si Julie Anne, aamin na ba sa tunay na relasyon? | Bandera

Rayver niregaluhan ng mamahaling piano si Julie Anne, aamin na ba sa tunay na relasyon?

Reggee Bonoan - May 02, 2022 - 03:30 PM

Rayver niregaluhan ng mamahaling piano si Julie Anne, aamin na ba sa tunay na relasyon?
ANG tarush ni Rayver Cruz dahil binigyan niya ng Steinway & Sons piano ang ka-loveteam niyang si Julie Anne San Jose bilang advance birthday gift nito sa May 17 dahil ito mismo ang araw na alis ng singer/actor patungong Canada para sa series of shows nila nina Sam Milby at Catriona Gray.

Sa Mayo 24 pa ang balik ni Rayver ng Pilipinas at babalik na siya sa “All Out Sundays” (AOS) pagkalipas ng ilang linggong absent dahil nasa lock in shoot siya ng teleseryeng “Bolera” kasama naman ni Kylie Padilla.

Going back sa piano na iniregalo ni Rayver ay pinadalhan kami ng fans ng larawan ng piano at may caption na, “surprise gift ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose deliver namin today (April 30, Saturday).

Tsinek namin ang Instagram account ng dalaga na @myjaps at tinutugtog na niya ang Bohemian Rhapsody at ang caption niya ay, “sound check.”

Komento naman ni Rayver, “Galing talaga (emoji clapping hands).”

At dito na kami napaisip sa post nilang dalawa nitong Linggo ng gabi sa kani-kanilang IG account habang kinakanta nila ang awiting “Location Unknown” ng Honne na kinanta ng duo na sina James Hatcher and Andy Clutterbuck.

Nang i-upload ang music video sa YouTube channel ng Honne ang awiting Location Unknown noong 2018 ay umabot na sa mahigit 147M views ito.

Bakit importante ang nasabing awitin sa JulieVer at talagang tinapos nila ang kanta kaya tsinek namin ang lyrics na ang nilalaman ay kahit nasaan sila mapadpad ay bumabalik pa rin sila sa isa’t isa.

Hmm, hindi kaya matagal nang may pagtingin sa isa’t isa ang JulieVer pero hindi nagtagpo dahil may kanya-kanya silang ibang ganap noon?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

 

At ngayong ay pareho na silang single, perfect time na kaya?

Sabi nga sa simula ng lyrics, “Traveling places I ain’t seen you in ages.

But I hope you come back to me

My mind’s running wild with you far away

I still think of you a hundred times a day

I still think of you too

If only you knew

When I’m feeling a bit down,

I don’t wanna pull through

I look over your photograph

And I think how much I miss you

I miss you….

Hindi ba nga’t pagkatapos ng lock in shoot ni Rayver ay nag-report kaagad siya kay Julie Anne sa bahay na ibinuking ng supporter na, “nasa bahay ka na naman nina Julie Anne.”

Anyway, naaliw kami pagkatapos ng kanta dahil hindi nila alam ang gagawin pero niyakap na lang ni Rayver si Julie Anne na natawa rin sila sa isa’t isa.

At palaisipan talaga sa lahat ang mga magagandang komento ng celebirties tulad ng pinsan ni Rayver na si @sunshinecruz718, “Too cute Ray! Both very talented!”

Nagpalasamat naman ang aktor, “@sunshinecruz718 thank you ate shineeee.”

Gayun sin si Julie Anne na nag-thank you rin, “@sunshinecruz718 thank you ate.”

At pati si Papa P ay nagpadala ng emoji clapping hands @piolo_pascual, “Wow! Galing n’yo tol @rayvercruz.”

Sagot naman ni @rayvercruz, “@piolo_pascual nice one papa p!! Miss you my brother my idol!!! “

Nagpasalamat din ang singer/actress, “@piolo_pascual hello po lodi.”

Grabe iisa ang mga nabasa naming komento sa JulieVer, bagay na bagay sila at ‘yung iba ay nagsabing sana magkaroon sila ng concert na magkasama pati pelikula at teleserye.

Perfect combination para sa amin sina Rayver at Julie Anne dahil pareho silang kumakanta, sumasayaw, parehong host ng “AOS” at “The Clash”, wala pa kaming napanood na serye sa aktres kaya wala kaming masabi pagdating sa pag-arte at higit sa lahat, pareho silang maka-pamilya.

 

Related Chika:
Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

Regine aprub sa relasyong JulieVer, may bilin kay Rayver: ‘Alagaan mo yan ha, special sa amin yang si Chuli!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending