'Pink netizens' nanawagan na isama na si Monsour del Rosario sa senatorial slate ng Leni-Kiko tandem | Bandera

‘Pink netizens’ nanawagan na isama na si Monsour del Rosario sa senatorial slate ng Leni-Kiko tandem

Ervin Santiago - April 29, 2022 - 03:19 PM

Monsour del Rosario

KASUNOD ng pagkakatanggal kay Migz Zubiri sa opisyal na senatorial slate ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem, nananawagan ang mga netizens na ipalit ang actor-politician na si Monsour Del Rosario sa nabakanteng ika-12 puwesto.

Si Del Rosario ay miyembro ng Partido Reporma, ngunit kamakailan ay napukaw niya ang atensyon ng mga tagasuporta ng Leni-Kiko tandem nang lantaran niyang ihayag ang pagsuporta sa mga nabanggit na presidential at vice presidential candidatate.

Ito ay matapos magbitiw ni Ping Lacson bilang chairman at presidential candidate ng Reporma. Mula noon, si Del Rosario ay napabilang na rin sa grupong 1Sambayan na ngayon ay may kabuuang 11 kandidato, 8 dito ay kabilang din sa opisyal na Tropang Angat slate.

Isang dating atleta ng taekwondo na sumabak sa 1989 Seoul Olympics at sikat na action star noong dekada ’90, si Monsour Del Rosario at nagsilbi sa sambayanang Pilipino sa loob ng 9 na taon bilang konsehal ng District 1 ng Makati sa loob ng dalawang termino.

Naging kongresista rin siya mula 2016 hanggang 2019, kung saan gumawa siya ng 292 na panukalang batas at resolusyon, kabilang ang Telecommuting Act of 2018 o Work From Home Law na tumulong sa maraming manggagawang Pilipino sa kasagsagan ng pandemya.

Sakaling manalo, isusulong ni Del Rosario ang Healthcare Heroes Card Law para sa mga medical frontliners, ang Athlete’s Pension para sa mga atleta na nagdulot ng karangalan sa bansa, isang maayos na sistema ng edukasyon at pag-unlad para sa mga batang may different learning abilities, at tumulong sa mga magsasaka upang mapadali ang paghahatid ng mga benepisyo at iba pang proseso ng gobyerno para sa kanila.

“Nagpapasalamat ako sa mga netizens at supporters nina VP Robredo at Sen. Pangilinan sa kanilang pagtitiwala sa akin pero ang Leni-Kiko team lang ang makakapagdesisyon kung gusto nila akong isama sa kanilang official slate o hindi.

“Sa huli, ang mga botante ang magdedesisyon kung sino ang gusto nilang maging susunod na senador. Kaya naman narito rin ang ating 1Sambayan slate para mag-alok ng mga alternatibo,” aniya.

Samantala, patuloy ang pagdalo ni Del Rosario sa mga Leni-Kiko rally kung saan kapansin-pansin ang karisma at hatak niya sa tao.

“Nakakagaan ng loob na makita ang mga tao na nagkakaisa para sa layuning mapabuti ang ating bansa. Tingin ko hindi ang pagkakasama ko sa 1Sambayan ay hindi lang nagkataon.

“Pakiramdam ko nakatadhana ako dito dahil ang layunin ko sa pagtakbo bilang senador ay lubos na naaayon sa layunin ng mga taong sumusuporta sa 1Sambayan at sa Leni-Kiko tandem.

“Lahat tayo ay may iisang hangarin na iangat ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng isang mapagkakatiwalaang pamahalaan na nakatuon sa tunay na serbisyo publiko,” dagdag pang pahayag ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/280009/wish-ng-nanay-ni-vice-sana-magka-baby-ka-para-may-tagapagmana-ng-naipundar-mo
https://bandera.inquirer.net/309234/monsour-nirerespeto-ang-pagbibitiw-ni-ping-sa-partido-reporma-may-balak-pa-kayang-bumalik-sa-showbiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/310819/donny-belle-nag-house-to-house-sa-baguio-fans-super-happy-we-stan-the-right-love-team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending