Pilot episode ng 'He's Into Her' nina Donny at Belle pak na pak sa fans; top trending topic sa socmed | Bandera

Pilot episode ng ‘He’s Into Her’ nina Donny at Belle pak na pak sa fans; top trending topic sa socmed

Reggee Bonoan |April 27,2022
facebook
share this

Pilot episode ng ‘He’s Into Her’ nina Donny at Belle pak na pak sa fans; top trending topic sa socmed

Reggee Bonoan - April 27, 2022 - 05:20 PM
'He's Into Her' nina Donny at Belle pak na pak sa fans; top trending topic sa socmed

KINASASABIKAN na ng viewers ang mga susunod na pangyayari sa pangalawang season ng “He’s Into Her” matapos talakayin ang mga isyu tungkol sa pamilya, pag-ibig, at lipunan sa pilot episode nito sa iWantTFC.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng manonood sa episode one, magiging available na ang bawat episode nito sa buong mundo kada Miyerkules sa iWantTFC simula ngayong araw.

Ipinadama ng DonBelle fans ang kanilang suporta sa buong mundo pagkatapos nilang maglagay ng mga LED billboard sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, Indonesia, Japan, Thailand, Dubai, South Korea, New York, at Switzerland.

Napanood sa unang episode ang mga nangyari isang linggo matapos maging magkasintahan sina Maxpein (Belle Mariano) at Deib (Donny Pangilinan).

Bumungad sa manonood kung paano inilarawan nina Max at Deib ang pag-ibig. Sa kasalukuyan kasi ay patong-patong na problema ang pinagdadaanan ng dalawa sa kani-kanilang pamilya.

Hanggang ngayon ay nag-iisip ng paraan si Max para ayusin ang relasyon ng kanyang ama at stepmom. Dagdag sa iisipin pa niya ang pagtira ng kanyang lola at Tito Boyet (Janus del Prado) sa dati niyang kasintahan na si Randall (Jeremiah Lisbo).

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

 

Samantala, si Deib ay hindi rin tumitigil sa paghahanap sa taong nasa likod ng aksidente ng kanyang kapatid. Natapos ang episode sa pagkatuklas ng ama ni Max sa relasyon nila ni Deib at pagtutol niya sa pag-iibigan ng dalawa.

Lubos naman na hinangaan ng netizens ang naturang pilot episode dahil sa paglalahad nito ng mga isyung napapanahon tulad ng pagpili ng lider ng bansa at mga problema na kinahaharap ng mga kabataan sa kanilang mental health, pamilya, at pag-ibig. Top trending nga ito sa Twitter Philippines noong Biyernes (Abril 22).

Saad ni @silverkaliii, “Ep1? I love how they address the current societal issues. Try to dig deeper and be attentive to their dialogues. Grabe aral. Thank you @bellemariano @donnypangilinan for this masterpiece. TAGSEN IS BACK #DonBelle #HesIntoHerS2EP1.”

“Ang lala ng #HesIntoHerSeason2 grabe ep 1 palang pero sobrang natutuwa ako na nagdiscuss agad about awareness on leaders, elections, trolls, fake news, credible sources, and more. super happy that they really include social issues in the series! it really is an AWAKENING,” tweet ni @donnycutieee_.

Komento ni @xandeechan, “It was nice also that they tackle mental health issues.”

Mapapanood din ng fans ang “Bearkada Hangout” kada Miyerkules, 8:30 p.m. sa iWantTFC Facebook at YouTube channel, kung saan nakikipag-kwentuhan ang ilang cast members tungkol sa serye.

Panoorin ang advance episodes ng “He’s Into Her Season 2” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) kada Miyerkules, 8 p.m. Available rin ito kada Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Donny, Belle nanindigan para sa mga biktima ng bullying: Hindi ito dapat tino-tolerate

Tambalang Donny-Belle susunod sa kasikatan ng KathNiel at Lizquen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending