Gumanap na Mosang sa 'Lenlen'series, nag-switch bilang kakampink? | Bandera

Gumanap na Mosang sa ‘Lenlen’series, nag-switch bilang kakampink?

Therese Arceo - April 15, 2022 - 08:15 PM

Gumanap na Mosang sa 'Lenlen'series, nag-switch bilang kakampink
USAP-USAPAN ngayon ang larawan ng isa sa mga gumanap na ‘Mosang’ sa “LenLen: The Untold story” na dumalo nagdaang Leni-Kiko Pampanga campaign sortie.

Mukhang tuluyan na itong kumalas sa cast ng naturang series na likha ni Darryl Yap kung saan nakasama niya sina Sen. Imee Marcos, Juliana Parizcova Segovia, at Roanna Marie.

Nakilala ang ginang bilang si Rowena Quejada na ang karakter sa nasabing series ay tagabigay ng impormasyon ukol kay “Lenlen”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VinCentiments | SAWAKAS (@vincentimentsofficial)

 

Sa kanyang Facebook post ay proud niyang ibinandera ang kanyang pagsuporta kina presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Kiko Pangilinan nang dumalo ito sa naganap na campaign sortie ng tRoPang Angat sa Pampangan noong April 9.

“We are PINK and YES we are here @ San Fernando, Pampanga,” caption no Rowena sa kanyang post habang nakasuot ng pink shirt at pink mask na may larawan ni VP Leni.

 

Nang bisitahin namin ang kanyang Facebook account ay makikitang aktibo ang ginang sa pangangampanya kay VP Leni sa kanilang lugar.

May mga larawan si Rowena kung saan namimigay sila ng mga posters sa mga tao habang nag-iikot sa isang pamilihan.

May mga posts rin ito na tila patutsada ukol sa korapsyon.

Saad ni Rowena, “Pag USAPIN ng KORAPSYON, wag na wag ka basta aaray kung hindi ka pinapangalanan.

“Pambihira napaghahalataan ka tuloy. Hindi mo napansin? Ikaw lang nagwawala at panay ang iyak?

“Saka wag ka po maghahamon ng siraan, kase wala po papatol sa sirang-sira na.”

Napag-alaman rin naming isang local consultant sa isang party-list si Rowena sa Olongapo.

Base naman sa isang panayam sa kanya, bagamat nagkaroon siya ng kontrata sa VinCentiments ni Darryl Yap ay handa siyang huwag nang kunin ang hindi pa naibibigay na talent fee sa kanyang pag-arte bilang ‘Mosang’ sa ilang episode ng naturang series dahil hindi niya maatim na ipagpapalit ang kanyang prinsipyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
VP Leni kay Rep. Boying Remulla: Kung may pruweba, ilabas na

Darryl Yap binanatan ng ‘Kakampinks’ dahil sa ‘Exorcism of Len-Len Rose’, pero kinampihan ng BBM loyalists

Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending