Darryl Yap binanatan ng 'Kakampinks' dahil sa 'Exorcism of Len-Len Rose', pero kinampihan ng BBM loyalists | Bandera

Darryl Yap binanatan ng ‘Kakampinks’ dahil sa ‘Exorcism of Len-Len Rose’, pero kinampihan ng BBM loyalists

Ervin Santiago |March 03,2022
facebook
share this

Darryl Yap binanatan ng ‘Kakampinks’ dahil sa ‘Exorcism of Len-Len Rose’, pero kinampihan ng BBM loyalists

Ervin Santiago - March 03, 2022 - 01:42 PM

Darryl Yap at Juliana Parizcova Segovia

KONTROBERSYAL na naman ang direktor na si Darryl Yap matapos lumabas ang teaser ng short film niyang “The Exorcism of Len-Len Rose” mula sa VinCentinents.

Ito ang follow-up sa “Len-Len” stories ni Direk Darryl na pinaniniwalaang patama at patutsada sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.

“A very scary, not political horror story. COMING SOON,” ang nakalagay sa caption ng official trailer ng “The Exorcism of Len-Len Rose” na kinopya ang konsepto sa foreign horror movie na “The Exorcism of Emily Rose.”

Bida pa rin dito sina Juliana Parizcova Segovia, Roanna Marie Mercado at Sen. Imee Marcos.

“Hindi ako natatakot kasi hindi ako kinakabahan. Hindi ako kinakabahan kasi meron tayo ng wala sila. Wala sila ng meron tayo,” ang simulang pahayag ng voice over sa trailer.

Iba-iba ang reaksyon ng netizens sa bagong pasabog ni Direk Darryl — may bumatikos sa kanya na mga tagasuporta ni VP Leni dahil lantaran na raw ang paninira nito sa kandidatura ng bise presidente ng bansa.

May mga sumang-ayon at kumampi rin sa direktor at sinabing bilib sila sa katapangan ni Darryl na ipahayag ang kanyang tunay na kulay pagdating sa usaping politika.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa “The Exorcism of Len-Len Rose.” 

“I can’t imagine what kind of hardship did this Darryl Yap has experienced under Leni why he’s so crazy insulting and degrading her. His life might have been so sad and lonely after spending his time solely to insult others. Hayyysss.”

“Wag niyo kasi pansinin gawa nung Darryl Yap. Wag kayong manood, yun lang. Kaya’t confident gumwa ng gumawa ng video yan kasi marami ang pumapansin. Good or bad publicity is still a publicity.”

“Dito tlga malalaman mo kung sino ung mga pinapanood ng mga tao imagine ung len len reveal 4millions and counting marmi kasi ung mga bbm supporters. Mga silent voters sabi nga kapg maingay ang lata pg inihagis walng laman lagpak yn ganyn sila views to views lng laban an content to content ala tlga.”

“Direk naman, sa totoo lang kinilabutan ako. Kaabang-abang ‘to.”

“Hahaha nagmumukha na po kayong desperada at mas nakakaawa kaysa sa pinariringgan ninyo.”

“Ang kulit ni Darryl. Aba in fairness mas nakakatakot itong gawa niya kaysa mga Pinoy scary movies hahahaha.”

“Imagine a candidate running for the highest position in our country, claiming that he cares for the Filipino people and saying that he doesn’t believe in negative campaigning, BUT lets his sister do the dirty work for him. Really you would go that low??? How pathetic.”

“Basura na naman. Teka, daming time ni Senadora ah?”

“Nagpe-petition na naman ang mga Kakampinks na patigilin ka na sa paggawa ng LenLen series. Asar na asar na sila.”

“Dami namang time ni Senator Imee. Parang di nagtatrabaho. Hahaha.”

“Ang cute hahahaha can’t wait!!!! Super galing!”

“Len2x…len2x. ..len2x… ” Grabi background palang kahit di sya song, Lss nako run sa part na yun., Nababanggit ko mag isa pabulong sa gabi….grabi ka Direk!”

Samantala, mukhang hindi naman apektado si Direk Darryl sa mga banat ng tagasuporta ni VP Leni base sa mga bagong post niya sa Facebook.

Narito ang sunud-sunod na post niya sa FB, “#HAGULGOL. baka madehydrate kayo sa kakaiyak nyan, HAHAHA!”

“Ang pinakanakakatawa sa lahat— sineSHARE pa talaga sa groupchats ng mga film prods HAHAHA! baka sa EP1 ng THE EXORCISM OF LENLEN ROSE— nagrarally na kayo at prayer vigil. HAHAHA!”

“Anyways, SALAMAT PO SA COMMENT NYO SA LINK NA YAN. lalo na sa mga NAGREREPORT NG PETITION NA ITO— Hindi ‘Ako’ ang hindi nila kaya, kundi ‘ang suporta nyo.’

“WE ALL DESERVE DEMOCRACY, BUT CLEARLY—THE PEOPLE WHO OVERUSED THE WORD—IS NOT READY FOR IT. Let’s say this is a technical rehearsal for the Month of May. #TELR,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May pahabol pa siyang aria sa FB, “SIMULA MAMAYANG UMAGA, isheSHARE NG VinCentiments ANG LAHAT NG REACTION VIDEOS SA AMING #LENLEN CONTENT. Pagkakitaan nating lahat ang luha ng mga #Pinkons.”

Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Richard Yap umalma sa paglantad ng nagpakilalang anak: I have never seen him, met him, talk to him ever since…

Mama Mary nagpakita raw sa dating aktres na si Nina Jose matapos maaksidente sa ‘suob’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending