Eian Rances nagpatutsada kay Alexa, bwelta ni KD: Marites ka pa rin tol!? | Bandera

Eian Rances nagpatutsada kay Alexa, bwelta ni KD: Marites ka pa rin tol!?

Therese Arceo - April 13, 2022 - 05:43 PM

TRENDING ang dating “Pinoy Big Brother Kumunity 10” celebrity housemate na si Eian Rances matapos kumalat sa social media ang screenshot ng group conversation ng binata kasama ang kanyang supporters.

Makikita sa naturang larawan ang mensahe ng binata na “Sino si BEAH? Boto natin for President!”

Nag-send rin si Eian ng screenshot ng Twitter user na may text na “NEVER NAGHABOL AT NEVER MAGHAHABOL SAYO SI EIAN.

Hindi man malinaw kung ano ang pinanggalingan ng mensahe ay marami ang nagsasabi na patama raw ito ng binata sa aktres na si Alexa Ilacad.

At dahil nga kalat na ito sa social media at nagte-trending sa Twitter ay hindi maiwasang makarating ito kay KD Estrada, isa rin sa mga “PBB” housemates na nakasama nina Eian at Alexa.

Aware naman ang lahat na sa loob pa lang ng “PBB” house ay nabuo na ang malalim na pagsasama nila ni Alexa at aminado ang aktor na espesyal sa kanya ang dalaga.

Kaya naman agad itong nag-react dahil hindi nito nagustuhan ang hinala ng mga netizens at supporters ang tila pagpapatutsada ni Eian sa kanyang “partner”.

“Marites ka pa rin tol,” tweet ni KD.

Bagamat walang binanggit na pangalan ay mukhang si Eian ang pinatatamaan nito.

“Looking left coz you didn’t treat her right hahahah,” muling tweet ng binata na may kasama pang selfie.

Huling hirit pa nito, “I have respect naman, just none for you and just unfollow me please. I know you can see this.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kiddy (@kdestrada_)

Kung matatandaan, habang nasa loob ng Bahay ni Kuya ay umamin sina Eian at Alexa na “crush” nila ang isa’t-isa.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa kaya naman naudlot ang kanilang “possible romance”.

Pero bago pa man tuluyang lumabas si Eian ay nagkaayos silang dalawa at nangakong magiging magkaibigan sa outside world.

Mukhang nakarating na rin kay Alexa ang isyu at ang tanging reaksyon niya lang ay, “I dodged a bullet”.

“Too blessed to be stressed. Sending you all my love,” muling tweet ni Alexa para naman sa kanyang supporters na nagtanggol at nagbigay mensahe sa kabila ng mga isyu.

Nag-trending rin si sa Twitter “YOU ARE LOVED ALEXA”.

Matapos namang kuyugin ng mga netizens ay nag-tweet si Eian.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eian Rances (@eianrances)

 

“In time, everything will fall into place so for now,” saad ng binata.

Dagdag pa ni Eian, “So for now, embrace the uncertainties, ngumiti sa kabila ng mga pangungutya, maging matatag and keep reminding yourself that God is in charge of all things at lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan.”

Marami tuloy sa mga fans ang mas nanggalaiti at sinabing imbes na mag-sorry ay nagpaawa pa ito sa publiko kaya naman agad na nag-trending ang “#CancelEianRances”.

“Imbes na magsorry ka tol. Heto ka, pa-victim. Eian for President. Mas lalaki pa sayo yung 19 years old na ikaw mag trenta na. Hindi mo ikakababa ang paghingi ng paumanhin. Tanggapin mo na lang pagkakamalo mo. Tandaan mo yan tol,” saad ng fan ni Alexa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ng isa, “Wala na talagang natira sayong hiya.”

Related Chika:
Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?

Eian Rances, Alexa Ilacad, Brenda Mage bati-bati na: Na-fix namin lahat pagbalik ng outside world

Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending