Eian Rances, Alexa Ilacad, Brenda Mage bati-bati na: Na-fix namin lahat pagbalik ng outside world | Bandera

Eian Rances, Alexa Ilacad, Brenda Mage bati-bati na: Na-fix namin lahat pagbalik ng outside world

Ervin Santiago - January 17, 2022 - 07:35 AM

Brenda Mage, Eian Rances at Alexa Ilacad

OKAY na okay na uli ang relasyon ngayon ng tatlong kontrobersyal na celebrity housemates sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10”.

Mismong si Eian Rances na ang nagsabi na naayos na ang mga isyu sa pagitan nila ni Alexa Ilacad at ni Brenda Mage matapos silang bumalik sa outside world.

Ayon sa binata, nasa proseso sila ngayon ni Alexa ng “testing the waters” at patuloy niyang ipinakikita sa aktres ang kanyang paninindigan ngayong tapos na ang journey nila sa “PBB.” 

“Okay kami, we’re good. Good friends kami ni Lex. Wala akong masabi. Iyon naman talaga dapat. 

“After ng mga nangyari sa loob, ang sarap na we’re okay now, dito sa labas. May communication din naman. Iyon muna. For me, little things, sobrang na-aappreciate ko na,” pahayag ni Eian sa panayam ng ABS-CBN.

Kung matatandaan, na-link sina Eian at Alexa habang nasa loob ng Bahay ni Kuya at in fairness, nagkaroon pa ng fandom ang kanilang tambalan na “AlEian.”

Ngunit, nang mapanood ni Alexa ang ilang episodes ng “PBB 10” kung saan may mga nasabi nga si Eian na hindi kagandahan tungkol sa kanya ay talagang nasaktan siya nang bonggang-bongga.

Kasunod nito, nasabi niya na mas magiging mapanuri na siya sa mga taong mapapalapit sa kanya at mas babantayan na rin niya ngayon ang kanyang puso.

Ayon naman kay Eian, sa kabila ng napakaraming isyu habang nasa loob ng Bahay ni Kuya ang mga housemates ay “all is well now with everyone in the outside world.” Patunay dito ang bonding moments nila nang magkaroon sila ng reunion sa “ASAP” recently.

“As in lahat kaming housemates sobrang okay. We have a Viber group tapos nagkasama-sama kami sa stream sa Kumu so kumbaga ‘yung mga pictures na ‘yun ay pagpapatunay na okay kaming lahat,” sabi ng binata.

Samantala, natanong din siya tungkol sa special friendship nila ni Brenda Mage na nakapagsalita naman ng hindi maganda nang mapalapit siya kay Alexa.

Sagot ng youngstar, “Kami ni Brends okay din, napag-usapan na rin ‘yung mga dapat pag-usapan. Na-ano namin, kumbaga na-fix namin lahat paglabas and that’s all that matters.”

View this post on Instagram

A post shared by Eian Rances (@eianrances)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301048/eian-rances-boto-kay-brenda-mage-na-maging-pbb-big-winner
https://bandera.inquirer.net/299827/alexa-kinompronta-si-eian-do-you-think-ginagamit-lang-kita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending