Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita? Bandera

Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?

Therese Arceo |December 07,2021
share this

Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?

Therese Arceo December 07, 2021 - 06:33 PM

Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?

DIRETSAHANG tinanong ni Alexa Ilacad ang kapwa “PBB” housemate na si Eian Rances matapos ang kanilang “catch-up party” hinggil sa ikinilos nito habang isinasagawa ang kanilang weekly task.

Hindi kasi nagustuhan ng dalga ang naging reaksyon ni Eian nang pumitik ito sa kanya nang kumustahin niya ito habang sila ay nasa activity area.

Ikinuwento ni Alexa sa kapwa housemate na si Benedix ang ginawa ni Eian sa kanya na tila sa kanya ibinunton ng binata ang frustration nito sa “paghihiwalay” nila ng mga housemates.

Sinubukan raw niyang i-comfort si Eian dahil mukha na itong paiyak. Nang akmang tatapikin ni Alexa ang binata ay tinabig siya nito at sinabing “Ano ba?! Okay nga lang ako!”

Amin pa ni Alexa, hindi daw niya deserve ang ginawa ni Eian at ni hindi man lang siya humingi ng tawad sa kanya.

“Hindi ko alam bakit ka sa akin pumitik. Hindi ko deserve ang pitik na ‘yon,” saad ni Alexa.

“Hindi ako natutuwa sa timing mo. Promise,” sagot naman ni Eian.

Dagdag pa ng binata, “Parang lahat ng pasok mo off. Hindi ko na alam kung ano ‘yung totoo. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito sa ‘yo. ‘Di ko alam kung kailan ka totoo.”

“Talaga? That’s so offensive. Tingin mo gumagawa ako ng love team? Ganoon?” diretsahang tanong ni Alexa.

“Siguro. Hindi ko rin alam,” sagot naman ni Eian.

“So do you think ginagamit lang kita? Na-magka-love team or something?” muling tanong ni Alexa.

“Wala naman akong sinabing ganu’ng word. Sorry kung sinabi ko sa ‘yo ‘yung nararamdaman ko,” sey ni Eian.

Dagdag pa niya, kung gusto raw ni Alexa ay si TJ na lamang ang kausapin nito patungkol sa isyu.

“Hindi, okay lang. Natatawa na nga lang ako,” sagot muli ni Alexa.

“Okay na ‘yun. Okay lang,” saad naman ni Eian sabay tayo at pasok sa loob ng bahay at hindi na pinatapos pa ang dalaga.

“Sandali, sandali. Oh my God, ang bastos kausap,” sabi nito nang layasan siya ni Eian sa garden.

Matatandaang naging malapit ang dalawa sa loob ng bahay lalo na ng malaman ni Alexa na crush siya ni Eian.

Dahil dito ay sinubukan niyang ilapit at i-open up ang sarili sa binata ngunit hindi pala ganu’n ang set up na gusto ni Eian.

Sa huli ay nagdesisyon na si Alexa na tuluyan nang wag pansinin ang binata matapos ang inasta nito sa kanya.

Related Chika:
Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending