Alexa Ilacad kontra sa mga 'Marites': Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan | Bandera

Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan

Ervin Santiago |January 07,2022
facebook
share this

Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan

Ervin Santiago - January 07, 2022 - 08:42 AM

Brenda Mage at Alexa Ilacad

NANAWAGAN ang Kapamilya actress at dating “Pinoy Big Brother Season 10” celebrity housemate na si Alexa Ilacad na tigilan na ang pagkunsinti sa mga tsismosa o ang mga tinatawag na “Marites”.

Ipinagdiinan ni Alexa na walang maganda at positibong maidudulot kahit kanino ang pagpapakalat ng tsismis lalo na kapag ito’y mga fake news naman. 

Nabanggit ito ng aktres sa “Pinoy Big Brother” Big Celebrity Reunion sa Kumu kamakailan kasabay ng pakiusap na mas maging maingat at responsable na sana ngayon ang mga netizen sa pagpo-post at pagkokomento sa social media.

“If we are all good people and if we have that friend who is a ‘Marites,’ we should not be enablers na lang. 

“Let’s just stop them instead of listening and agreeing. Because even if you’re not spreading it, if you’re enabling it, it’s the same banana,” pakiusap ni Alexa. 

Nauna rito, nagpaliwanag kasi ang isa pang celebrity housemate na si Madam Inutz tungkol sa pamba-bash sa Kapamilya comedian na si Brenda Mage.

Ito’y dahil nga sa mga offensive remarks nito laban sa mga kapwa nila housemates, lalo na kay Alexa at sa Kumu streamer na si Eian Rances.

“Siguro ‘yung pagtambay-tambay namin sa…kapag umupo ako, nandiyan si Brenda, nagkakaroon ng usapan. Napa-oo na lang ako. Hindi nga ako ‘yung taong kapag sinabi ni Brenda na ganito ay sasabihin ko naman kay Alexa,” sabi ng viral online seller.

“Kasi hindi na kailangan sabihin dahil pagmumulan lang ng hindi pagkakaunawaan. As nanay sa bahay, nag-iingat ako sa mga ganyang bagay. Hindi ko naman talaga alam ang takbo ng showbiz,” sabi pa ni Madam Inutz.

Binigyan din ng chance si Brenda na magpaliwanag sa mga pinaggagawa at pinagsasabi niya noon kontra sa mga kasamahan niya sa “PBB” house. 

Aniya, wala siyang personal na galit o issue kay Alexa, “Unang-una alam po ng housemates ‘yan na ako po talaga ‘yung bridge nina Eian at Alexa. Ako po ‘yung nagtulak-tulak sa kanila kasi alam ko po crush ni Eian si Alexa.”

Pero nanindigan naman si Alexa na alam niyang hindi lang dahil kay Eian kaya nakapagsalita ng masasama si Brenda sa kanya na talagang ikinasama niya ng loob.

“Hindi lang kasi ‘yung issues ni Eian ang narinig ng taumbayan. Kahit evicted na kami, pati si Eian, you still kept talking so I think that’s what you also need to explain para sa mga tao kasi talagang nagalit sila,” sabi ng aktres kay Brenda Mage.

Handa naman daw siyang patawarin ang komedyante pero hinding-hindi niya makakalimutan ang masasakit na salitang ibinato nito laban sa kanya.

“I forgive but that doesn’t mean I forget. I’m just a very forgiving person. But I learned my lessons as well and I now know how to guard my heart and make sure that I’m surrounded by good people,” sabi ng dalaga.

Pagkalabas ng Bahay ni Kuya matapos mapasama sa Top 5 celebrity housemates, nag-sorry si  Brenda sa lahat ng nagawa niyang sablay at sa mga taong nasaktan sa mga pinagsasabi niya.

“Lahat ng salita at aksyon ko ay sumasalamin sa aking pagmumukha at pagkatao… 

“Kaya kung may nasaktan man ako sa mga nagawa ko i am Sorry… eto talaga ako eh… I am not MARITES but this is BRENDA MAGE … Lablablab Godbless!” aniya pa.

Ang youg singer na si Anji Salvacion at volleyball player na si Alyssa Valdez ang itinanghal na Top 2 sa pagtatapos ng “PBB 10 Celebrity Edition.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by 𝐀𝐥𝐞𝐱𝐚 𝐈𝐥𝐚𝐜𝐚𝐝 (@alexailacad)

Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending