Rufa Mae Quinto nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: Grabe pala malagasan, iba din! | Bandera

Rufa Mae Quinto nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: Grabe pala malagasan, iba din!

Therese Arceo |April 08,2022
facebook
share this

Rufa Mae Quinto nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: Grabe pala malagasan, iba din!

Therese Arceo - April 08, 2022 - 12:16 PM

Rufa Mae Quinto nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: Grabe pala malagasan, iba din!
NAGLULUKSA ngayon si Rufa Mae Quinto dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Vincent.

Ibinahagi ng actress-comedienne ang malungkot na balita sa kanyang Instagram account.

“Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him. May the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen,” munting panalangin ni Rufa Mae para sa namayapang kapatid.

Saad ng actress-comedienne, ito raw ang dahilan kung bakit siya umuwi sa Pilipinas.

“Umuwi pala kami ni @alexandriamagallanes galing America para sayo Vincent, ang pogi at mabait kong kapatid, Rip.”

Dagdag pa ni Rufa Mae, “Mahal ka namin @symonkeyking Grabe pala malagasan ng kapatid. Iba din.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

 

Si Alexandria Magallanes na naka-tag sa caption ay ang kanyang limang taong gulang na anak.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang celebrities gaya nina Ogie Alcasid, Jaya, Vina Morales, Regine Angeles, at Beth Tamayo.

“Mare mahigpit na yakap. condolences and prayers for your family,” comment ni Jaya.

Saad naman ni Vina Morales, “So sorry for the loss kumare. Prayers for your brother and to your whole family. My deepest condolences.”

“Pch… yakap na mahigpit,” sey naman ni Ogie Alcasid.

Nitong mga nakaraang linggo ay trending si Rufa Mae matapos ang kanyang pagdalo sa campaign sortie ng tambalang Marcos-Duterte na ginanap sa Zamboanga.

Marami naman sa mga netizens ang tila na-disappoint sa pag-aakalang sina Bongbong at Sara ang ini-endorso nitong kandidato pero marami ang nagulat nang mamataan rin siya sa campaign rally ni Sen. Manny Pacquiao sa Dumaguete.

Sa kabila ng pag-attend sa campaign sorties ng mga kandidato sa pagkapangulo, wala pa naman itong pormal na pahayag kung sino nga ba ang kanyang kandidato para sa darating na eleksyon sa May 9.

 

Related Chika:
Rufa Mae suportado si Bongbong, sey ng netizens: Siya si Booba kaya huwag na kayong magtaka

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae present din sa campaign rally ni Pacman, Direk Antoinette nag-react: Mall tour yarn?

Boobs ni Rufa Mae lumuwa habang nagsasayaw sa kampanya ni Pacquiao, sinadya nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending