Rufa Mae suportado si Bongbong, sey ng netizens: Siya si Booba kaya huwag na kayong magtaka Bandera

Rufa Mae suportado si Bongbong, sey ng netizens: Siya si Booba kaya huwag na kayong magtaka

Therese Arceo |March 30,2022
share this

Rufa Mae suportado si Bongbong, sey ng netizens: Siya si Booba kaya huwag na kayong magtaka

Therese Arceo - March 30, 2022 - 02:02 PM

Rufa Mae suportado si Bongbong, sey ng netizens: Siya si Booba kaya huwag na kayong magtaka

NAG-TRENDING ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto matapos itong makita sa campaign rally ng UniTeam na ginanap sa Zamboanga City nitong Martes, March 29.

Base sa mga kumalat na larawan, makikita si Rufa Mae na nasa stage ng Summit Center ng Universidad de Zamboanga kung saan abala itong nakikipagkulitan sa UniTeam supporters.

Mukhang ang nakilala natin sa pelikulang “Booba” at ang superheroine na si “Super B” na nakasuot ng pink bilang kanyang costume ay pinili ang kulay pula ngayong darating na eleksyon.

Bago pa man ang campaign rally ay nag-post na ang komedyana ng video sa kanyang Instagram account.

“See you Zamboanga! Go go go!” caption niya.

May ilan ring mga larawan na kumalat kung saan kasama niya ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, at ang trending rin na si Juliana Parizcova Segovia.

Mabilis naman na nag-react ang mga netizens sa pagsama ng iconic “Booba” star sa UniTeam sortie.

“Eh di ba nga si Rufa Mae eh si BOOBA kaya huwag na kayong magtaka. Bwahahahaha!!!!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “My favorite icon is a BBM supporter. Don’t talk to me.”

“It’s very very very sad day para sa sangkabaklaan na malamang BBM si Rufa Mae,” sey naman ng isa pa.

Hirit pa ng isa, Next level na ‘to! Hayaan n’yo na siya kung saan niya gusto!”

Sa ngayon ay ang actress-comedienne na nga ang latest additional sa mga artistang nag-eendorse sa Marcos-Duterte tandem.

Ang ilan pa sa mga celebrities na kasama niya sa pagsuporta sa UniTeam ay sina Toni Gonzaga, Andrew E., Dulce, Randy Santiago, at marami pang iba.

Related Chika:
Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!

Rufa Mae napabayaan ang sarili, inatake ng depresyon sa US: Pero lumaban ako at kinaya ko

Rufa Mae iyak nang iyak: Hirap na hirap ako nu’ng una, parang end of the world na…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending