Boobs ni Rufa Mae lumuwa habang nagsasayaw sa kampanya ni Pacquiao, sinadya nga ba? | Bandera

Boobs ni Rufa Mae lumuwa habang nagsasayaw sa kampanya ni Pacquiao, sinadya nga ba?

Regee Bonoan |April 07,2022
facebook
share this

Boobs ni Rufa Mae lumuwa habang nagsasayaw sa kampanya ni Pacquiao, sinadya nga ba?

Regee Bonoan - April 07, 2022 - 02:48 PM

Rufa Mae Quinto

NAG-VIRAL ang kuhang video ng netizen kay Rufa Mae Quinto habang kumakanta at sumasayaw sa awiting “Fireworks” ni Katy Perry sa isinagawang campaign rally ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao sa Dumaguete City nitong Abril 2.

Napanood namin ang video at talagang lumuwa na nga ang hinaharap ng komedyana habang sumasayaw.
Lumuwag marahil ang strap ng bra niya at napansin lang ng komedyana nang may magbulong sa kanya ay saka lang niya itinaas ang bra at saka nagpatuloy pa rin sa pagkanta.

Kaliwa’t kanan ang mga nabasa naming reaksyon at isa nga sa nag-tweet ang premyadong lady director na si Antoinette Jadaone.

Tweet ni direk Tonette, “Si madam!!! Hahaha! winner mall tour yarn??? Lahvet!”

Lagi palang napapansin ang malaking boobey ni Rufa Mae sa ilang beses niyang pagsampa sa entablado para bigyan ng kasiyahan ang mga dumalo sa sorties ng mga kumakandidato ngayong 2022 elections.

Nauna nang sumampa si Rufa Mae sa campaign rally sa UniTeam group ni dating senador Bongbong Marcos, Jr. na kumakandidatong presidente ng Pilipinas na ginanap sa Zamboanga City.

Hindi naman nakaligtas ang nangyaring ito kina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa kanilang “Showbiz Update” YouTube channel.

“Yung iba ang inakala nila ay parang sinadya raw ni Peachy (tawag kay Rufa Mae),” bungad ni Ogie.

“Bakit naman niya sasadyain? Bakit naman niya ipapakita ang boobs niya, di ba?” sabi rin ni Mama Loi.

Hirit naman ni Tita Jegs, “Baka gustong mag-viral?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


Pagtatanggol ni Ogie sa komedyana, “Pero hindi naman siguro big deal ‘yan kay Peachy kung nag-hello man ang kanyang boobs. E, alam mo naman si Peachy di ba, dati pa naman?”

“Bakit?” saad ni Mama Loi.

“Dati pa naman na siyang nangganyan, parang small deal lang ‘yan, eh,” sagot ni Ogie na ginaya ang boses ni Rufa Mae.

Napansin ito ni Mama Loi, “Bakit parang tunog ni Peachy ‘yang (boses) mo.”

“Hindi ko magaya ‘yung boobs niya.  Kaya doon man lang sa boses,” nakangiting sabi ni Ogie.

Dagdag pa, “Sabi nu’ng iba sinadya, sabi naman hindi raw. Buti na lang si Senator Manny Pacquiao nasa likod, nagse-cellphone yata.”

“Katabi pa ni senator si Jinky (asawa),” sabi rin ni Mama Loi.

At nandoon din daw sa likod si Annabelle Rama na hindi masyadong nakita kasi sobrang laki ng boobs ni Peachy.

Samantala, nakita ni Ogie si Pokwang sa isang rally na dinaluhan nila sa Rizal.

“Siyempre natanong namin sa kanya, nagmahadera kami para lang may mailaman dito sa show namin.  Kung para sa kanya (Pokwang) ay sinadya iyon ni Peachy o hindi naman,” tonong Rufa Mae pa rin si Ogie.

“Mare, ano ang aasahan namin dito? Magpapakita ka rin ba ng dede?” tanong ni Ogie kay Pokie.

“Bakit meron bang ipapakita? Wala ngang laman ‘to, eh (sabay tingin sa dibdib). Pilit na pilit. Bakit naman ninyo natanong tungkol sa dede, ano ‘yun?” pahayag ng komedyana.

At ikinuwento nga ang nangyari kay Rufa Mae na na nakitaan ng boobs sa rally ng hindi nito alam.

“Talaga?” gulat na tanong ni Pokwang, “Ah, sana hindi sinasadya, ha? Kasi kapag ano, hirap na may mga anak na tayo, di ba?”

Ano ang take nito sa nangyari sa kapwa niya komedyana? “Sana hindi sinadya, ‘yun lang!  Kung sinadya ay hindi maganda kasi may anak na tayo, eh. Paano ‘yun?  Paano pag nag-viral ‘yun?  Okay lang kung mga dalaga pa tayo.

“Alam naman natin na si Peachy ay ganu’n lang ‘yun na come-comedy.  Hindi naman naiiwasan ang wardrobe malfunction, pero next time mag-ingat na lang. ‘Wag na nating pakialam ‘yun o inggit lang tayo kasi walang laman?” paliwanag mabuti ni Pokie.

“So, mag-iingat ka ngayon sa performance mo?” tanong ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo, sabay mag-iingat talaga (sabay lislis ng manggas ng blouse para ipakita ang balikat),” tumawang sabi ni Pokwang.

Rufa Mae: Ganito pala maging nanay ang sarap, ang saya, pero ang sakit din…

Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!

Rufa Mae kinuhang cover girl sa isang Hollywood magazine: Go, go, go! Hindi na ito joke!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending