Rufa Mae present din sa campaign rally ni Pacman, Direk Antoinette nag-react: Mall tour yarn? Bandera

Rufa Mae present din sa campaign rally ni Pacman, Direk Antoinette nag-react: Mall tour yarn?

Therese Arceo |April 05,2022
share this

Rufa Mae present din sa campaign rally ni Pacman, Direk Antoinette nag-react: Mall tour yarn?

Therese Arceo - April 05, 2022 - 09:17 PM
Rufa Mae present din sa campaign rally ni Pacman, Direk Antoinette nag-react: Mall tour yarn?

Rufa Mae Quinto kasama sina Ruffa Gutierrez, Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao | Instagram: @iloveruffag

MUKHANG litong-lito na ang madlang pipol kung sino ang talagang sinusuportahan ng actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto matapos itong makita sa campaign rally ni presidential candidate Manny Pacquiao.

Una kasing nakita ang aktres sa UniTeam rally ng tambalang Marcos-Duterte na ginanap sa Zamboanga City noong March 29.

Marami ang tila dismayado kay Rufa Mae dahil inakala nila na ang kanilang favorite character na si “Super B” na nakasuot ng pink sexy costume ay pinili ang kulay pula sa darating na eleksyon.

Kaya naman marami ang nawiwindang ngayon nang sumulpot ito sa campaign rally ni Pacman sa Dumaguete City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


Sari-sari nga ang naging reaksyon ng netizens sa paandar ng actress-comedienne at kabilang na nga ang award-winning director na si Antoinette Jadaone sa mga nag-react sa ganap ng actress-comedienne.

“Ay ibaaaaaa si madam!!! Hahaha winner! Mall tour yarn??? Lahvet!” saad ng director sa video clip na ibinahagi ng Inquirer.net sa Twitter.

Saad pa ng ibang netizen, “Rufa Mae Quinto Todo na ‘to! The Presidential Tour. Haha!”

 

 

“Interesting. Hahaha. She is going around. Next ishe-share na niya sino ang pinakamalaking nagbayad. Wise,” birong sabi ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, “Direk, Go go go Rufa Mae ft 2022 PH Presidentiables pala HAHA.”

Mukhang nabunutan naman ng tinik ang ibang fans ng actress-comedienne matapos silang ma-disappoint sa pag-aakalang sina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio ang mga kandidatong ineendorso nito sa darating na national elections.

Mukhang nahimasmasan na nga sila at tila nagiging malinaw na sa kanila na “trabaho” lamang ang pakay niya sa pagdalo sa mga campaign sorties.

May ilan pa nga na nagbiro na aabangan nila ang komedyana sa campaign rallies ng iba pang kandidato.

Mukha namang wala pa talagang pormal na sinusuportahan ang aktres base sa kanyang Instagram account.

“Sino ba ang boboto natin? Yay gabay gabay walang away!” sey niya sa caption ng kanyang larawan.

 

 

Related Chika:
Rufa Mae suportado si Bongbong, sey ng netizens: Siya si Booba kaya huwag na kayong magtaka

Rufa Mae napabayaan ang sarili, inatake ng depresyon sa US: Pero lumaban ako at kinaya ko

Rufa Mae iyak nang iyak: Hirap na hirap ako nu’ng una, parang end of the world na…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending