Medwin Marfil ng True Faith 4 na beses tumanggi sa offer ng UniTeam: May bayad powh…
INAMIN ni Medwin Marfil, frontman ng bandang True Faith na nakatanggap sila ng offer na mag-perform para sa partido ng UniTeam na pinangungunahan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio.
Kwento niya, habang nagpe-perform sila sa Samar ay nakatanggap ng tawag ang kanilang manager na nagtatanong kung nais ba nilang tumugtog para sa UnitTeam sorties.
“When we were in Borongan, our manager got a call asking if we’d play for Unitik-tik (UniTeam). Pang-apat na ata na offer yun. We refused of course,” lahad ni Medwin.
Aniya, kahit na nagdeklara na sila na ang kanilang suporta ay para sa tambalang Leni-Kiko ay nakakatanggap pa rin sila ng offer.
“Kahit na nag-declare na kami na #Kakampink ang #Truefaith, we’re still being offered to play for Baby M (BBM),” saad ni Medwin.
Kalakip ng kanyang statement sa Twitter ang artcard ng TV host comedian na si Eric Nicolas patungkol sa paglilinaw nito na “walang bayad” at tumatanaw lang siya ng utang na loob kaya siya sumusuporta at nagtatrabaho para sa UniTeam.
“Not believable… May bayad powh,” dagdag pa ni Medwin.
Not believable.
Kahit na nag-declare na kami na #KakamPink ang #Truefaith we’re still being offered to play sa for Baby M.
When we were in Borongan, our manager got a call asking if we’d play for Unitik-tik. Pang 4 na ata na offer yun. We refused, of course.
May bayad powh. https://t.co/ISowVGl03i
— MEDS Ⓥ (@MedwinTruefaith) April 3, 2022
Matatandaang nauna nang sabihin ni Eric Nicolas na trabaho para sa kanya ang pagsama sa mga campaign rallies ng UniTeam.
Marami sa mga netizens ang nag-react at sinabing naiintindihan nila ang komedyante dahil nagtatrabaho lang ito para may mai-provide para sa pamilya.
Maski nga si Ogie Diaz ay nag-comment at sinabing humahanga siya sa pagiging totoo ni Eric at nag-aalala sa aktres na si Elizabeth Oropesa dahil baka ituloy nito ang pagpapaputol ng dalawang paa.
Nauna na kasing sinabi ni Elizabeth na “walang bayad” ang ginagawa nilang pagsuporta sa UniTeam.
Pero matapos ang ilang araw ay nilinaw ni Eric ang naunang statement at sinabing wala siyang natatanggap na bayad sa kanyang serbisyo na pinabulaanan naman ni Medwin dahil may offer daw sa kanilang pera kapalit ng pag-perform sa campaign sortie.
Related Chika:
Hirit ni Toni sa mga tagasuporta nina BBM at Sara: Sabi nila bayad daw po ako…bayad po ba kayo?
Ogie Diaz boluntaryo ang pagdalo sa Iloilo para kay VP Leni: Wala ho kaming bayad
Lolit Solis sa pagsuporta ni Ai Ai kay Bongbong: Dapat ipinagmalaki mo kung sino ang gusto mo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.