Ogie Diaz boluntaryo ang pagdalo sa Iloilo para kay VP Leni: Wala ho kaming bayad
PINABULAANAN ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang mga bali-balita na binayaran daw siya sa kanyang pagsama sa campaign rally ni VP Leni Robredo.
Naging host kasi ang talent manager sa campaign rally ng presidential candidate na naganap sa Iloilo noong isang linggo.
Ayon kay Ogie, wala raw silang bayad at boluntaryo ang kanilang pagpunta sa probinsya upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa sinusuportahang kandidato para sa pagkapresidente.
“Kaya nandito ho kami ngayon, wala ho kaming bayad. Pinakain lang kami. Binigyan lng kami ng ganito, ng t-shirt,” saad ng talent manager.
“Syempre, ‘yung kasiyahan at kaligayahan ng puso namin na mapaglingkutan, at mapakita kay VP Leni Robredo na kaisa niya kami sa lahat ng kanyang naisin,” dagdag pa ni Ogie.
Pero mayroon nga kayang pinaparinggan ang talent manager nang purihin niya ang mga dami ng taong nagpunta at sumuporta sa bise presidente.
“Wala namang hinakot dito? Oo nga, alam ko ‘yan dahil walang mga dump trucks dyan sa labas,” sey ni Ogie.
View this post on Instagram
Lutang na lutang naman ang ebidensya na talagang umaapaw ang suporta ng mga taga-Iloilo para kay VP Leni.
“Nakakatuwa! Alam mo dito sa Iloilo City hindi bawal ang drone. Di ba? May drone tayo dyan. Hindi bawal ang drone. Dahil kahit saan pumunta ang drone. Diyos ko po,” tila malaman na pahayag ni Ogie.
At hindi nagbibiro ang talent manager sa dahil kalat na rin sa social media ang nakakalulang dami ng tao saan mang sulok ng lugar kung saan idinaos ang kanyang rally.
“Hindi mahuligang karayom ang mga tao. Ganito kainit ang pagtanggap ng Iloilo kay Leni Robredo. Nakakaloka!” dagdag pa ni Ogie.
Bukod sa talent manager ay kasama niya rin ang kanyang mga co-host sa “Ogie Diaz Showbiz Update” vlog na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa naturang event.
Related Chika:
Boy Abunda agaw-eksena sa 2021 Bb. Pilipinas; netizens na-challenge sa tanong kay Miss Iloilo
Ogie Diaz ‘wa pakels’ sa mga bashers, walang bayad sa pagsuporta kay VP Leni
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.