AJ Raval, Aljur Abrenica hindi pa 'official': Pero papunta na kami doon | Bandera

AJ Raval, Aljur Abrenica hindi pa ‘official’: Pero papunta na kami doon

Therese Arceo |March 31,2022
facebook
share this

AJ Raval, Aljur Abrenica hindi pa ‘official’: Pero papunta na kami doon

Therese Arceo - March 31, 2022 - 06:53 PM

AJ Raval, Aljur Abrenica hindi pa 'official': Pero papunta na kami doon

INAMIN ng sexy actress na si AJ Raval na hindi pa sila “official” ng aktor na si Aljur Abrenica.

Sa kanyang panayam sa press para sa kanyang pelikula sa VivaMax na “Iskandalo” kung saan kasama niya sina Sean de Guzman, Cindy, ay naikwento niya ang relasyon nila ni Aljur.

Natanong kasi si AJ kung kumusta na sila ng aktor ngayong kinumpirma na ng kanyang ama na si Jeric Raval ang relasyon nilang dalawa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

 

“Una pa lang, wala naman kaming dinenay kaya nga kami na-bash kasi naging open kami masyado, hindi namin tinago,” umpisa ng sexy actress.

Aniya, hindi pa naman daw talaga sila official ni Aljur.

“Ngayon, hindi pa naman kami official ni Aljur pero siguro papunta na rin kami sa gano’n. Matagal na rin naming kinikilala ang isa’t isa. Kilala na namin ang isa’t isa,” saad ni AJ.

Inamin rin niya na nakilala na niya ang mga anak ng aktor sa dati nitong asawa na si Kylie Padilla.

“Sila Alas [at Axl], napakabait na mga bata, matalinong bata. Napakalambing,” pagbabahagi ni AJ.

Natanong naman siya kung kumusta sila ni Kylie.

“Okay naman kami. Wala naman talagang naging problema sa amin. ‘Yung mga tao lang talaga,” sey ni AJ.

Matatandaang matapos kumalat ang balita ng paghihiwalay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay isa ang sexy actress sa mga babaeng na-link sa aktor.

Inamin naman ni AJ noong 2021 na nanliligaw sa kanya si Aljur na naging sanhi para makatanggap siya ng kaliwa’t kanang batikos.

Doon rin nagsimula ang pagtawag kay AJ na “kabit” na pinabulaanan naman ni Kylie.

Since nabanggit na rin naman ng dalaga na hindi pa talaga sila “in a relationship” ni Aljur ay abang-abang na lamang tayo ng pa-announcement ni AJ dahil siguradong ibabahagi naman ng dalawa kung sakaling maging opisyal na silang magkarelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Aljur Abrenica nilinaw ang viral hotel photos kasama si AJ Raval: Kumain lang kami at nagbihis

Aljur, Kylie OK na uli ang ‘relasyon’ bilang magulang ng 2 anak; AJ may promise sa mga ‘Marites’

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending