Mika Salamanca pumalag kay Darryl Yap: You lack basic human decency
PINALAGAN ng YouTuber na si Mika Salamanca ang mga bashers pati na rin ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap matapos nitong kutyain ang “pagbabago” ng mukha ng dalaga.
Naging biktima kasi ng pamba-bash ang vlogger matapos itong mag-boluntaryo na mag-host sa ginanap na CAMANAVA sortie ng tambalang Leni-Kiko.
Sa Facebook at Instagram page ni Mika ay tuluyan na niyang binasag ang kanyang katahimikan at tinawag ang pansin ng mga netizens na patuloy ang pambabatikos sa kanya.
Pinuna rin niya ang isang pekeng Facebook page na nagpapanggap bilang siya dahil nagpapakalap ito ng fake news.
“When I hosted in Camanava, I already prepared myself for the backlash that I might receive. But isn’t this just too much? Why does this page keep pretending to be me and why do people believe this BS?” umpisa ni Mika.
Aniya, kaya raw siya pumunta sa naturang people’s rally dahil ito ang kandidatong kanyang sinusuportahan.
“Why do they have to use my name to post stupid things like this? Personal attacks, I can take. But using my name to spread fake news??? Especially on such important matter? Just stop. Such a low blow,” pagpapatuloy ni Mika.
View this post on Instagram
Bukod rito ay hayagan na rin niyang pinalagan ang direktor ng “Kape Chronicles” at “Vincentiments” na si Darryl Yap.
Nag-comment kasi ito sa pekeng Facebook page ni Mika Salamanca na nagsabi na kinakailangan na raw niyang mag-practice ng “Bagong Pilipinas, Bagong Mukha” na kanta ni Andrew E.
Sey ni Darryl, “Magpa-praktis ka pa? Eh nagpabago ka na ng mukha.”
Matatandaang nagparetoke si Mika ng kanyang ilong at aware naman ang lahat tungkol rito dahil ibinahagi niya ito sa madlang pipol na kinuha at isinulat rin ng mga entertainment news sites.
“And to Darryl Yap, take your misogynistic ass away from me. The bar is already low but didn’t expect you lack basic human decency too lol,” buong tapang na pahayag ni Mika.
Pinaalala naman ng dalaga na wala siyang ibang Facebook page bukod sa Mika Salamanca na may verified blue check.
Pinost rin ng vlogger ang link ng pekeng page na nagpapanggap bilang siya para mai-report ng mga netizens.
Humingi naman ng tawad si Darryl Yap sa kanyang “very impulsive at harsh” comment laban kay Mika.
“Hi Mika Salamanca, I apologize. Hindi ko alam na may verified account ka, hindi kasi ako aware sa social media following mo,” saad ni Darryl.
Kwento pa niya, nag-comment raw kasi ang pekeng FB page ng dalaga sa isa sa mga post niya na sinundan rin ng comments ng ibang tao na tila kilala daw ang vlogger.
“I know—hindi porket MUKHANG totoo, totoo. Dapat inalam ko na PEKE. My bad.
“That same account commented derogatory words on my wall, people prompted me, I googled and saw some of your issues and I reacted hastily.
“My comment was very impulsive and harsh. Again, I apologize,” muling paghinging tawad ng direktor.
Sa ngayon ay wala pang sagot si Mika sa public apology ni Darryl Yap.
Related Chika:
Pasaway na Pinay vlogger na si Mika Salamanca, arestado sa Hawaii
Pinay vlogger na si Mika dumipensa: ‘Kung meron po akong nilabag, dapat nasa presinto na ako’
Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.