Lolit Solis maligaya para kay Erich Gonzales: Ipinaglaban siya ni Mateo Lorenzo | Bandera

Lolit Solis maligaya para kay Erich Gonzales: Ipinaglaban siya ni Mateo Lorenzo

Therese Arceo |March 24,2022
facebook
share this

Lolit Solis maligaya para kay Erich Gonzales: Ipinaglaban siya ni Mateo Lorenzo

Therese Arceo - March 24, 2022 - 08:55 PM

Lolit Solis maligaya para kay Erich Gonzales: Ipinaglaban siya ni Mateo Lorenzo

SUPER happy ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis nang mapag-alaman na ikinasal na ang aktres na si Erich Gonzales.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay kumalat sa social media ang marital banns kung saan nakalagay ang detalye ng aktres at ng long time boyfriend nito na si Mateo Lorenzo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanyang reaksyon sa naganap na kasalan ng dalawa.

“Ikinasal na pala sila Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, Salve. Bongga noh! Talagang natuloy sa altar ang pagmamahalan ng dalawa,” panimula ng talent manager.

Aniya, talagang ipinaglaban daw ng binata ang kanyang pagmamahal kay Erich sa kabila ng pagiging conservative ng pamilya nito.

Pagpapatuloy ni Manay Lolit, “Talagang ipinaglaban ni Mateo Lorenzo ang pagmamahal niya kay Erich Gonzales. Medyo conservative ang pamilya Lorenzo kaya siguro hindi kaagad nila matanggap na isang mula sa showbiz ang magiging in law nila.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Tila isang sikreto rin ang ibinunyag ng talent manager nang ihayag nito na maging ang isa pang kapatid ni Mateo ay may dyowa rin na isang artista.

“Pero para naman sinasadya, dahil iyon isang kapatid daw ni Mateo si Claudia Barretto naman ang GF,” hayag ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, tila mula sa showbiz nga talaga ang madadagdag sa pamilya ng mga Lorenzo.

Chika naman ni Manay Lolit ay karapat-dapat naman si Erich na ipagmalaki bilang asawa ni Mateo.

“Congrats and best wishes sa dalawang bagong kasal, live forever happily. Bongga!” sabi pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Mateo Lorenzo ay isang bilyonaryo at negosyante. Hindi rin naman masasabing swerte si Erich sa napangasawa dahil sa yaman nito dahil maski si Erich ay may ibubuga rin dahil marami rin itong mga ari-arian at mga negosyo gaya ng mga lupain.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na wedding pictures sina Erich at Mateo sa publiko at tanging larawan ng dalawa na mula sa Instagram story ng kamag-anak ni Mateo na kumakalat sa social media ang nag-iisang patunay sa ginanap na kasal ng dalawa.

Related Chika:
Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding
Erich ayaw pa ring magsalita tungkol sa kasal nila ng bilyonaryong dyowa para iwas-intriga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending