Dawn Chang may hugot sa pang-aabuso sa kababaihan, netizens nag-react: Attention seeker ka talaga | Bandera

Dawn Chang may hugot sa pang-aabuso sa kababaihan, netizens nag-react: Attention seeker ka talaga

Therese Arceo |March 19,2022
facebook
share this

Dawn Chang may hugot sa pang-aabuso sa kababaihan, netizens nag-react: Attention seeker ka talaga

Therese Arceo - March 19, 2022 - 11:25 AM

SA kasagsagan ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng aktor at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Kit Thompson at ng girlfriend nitong si Ana Jalandoni, isang paalala naman ang inilabas ni Dawn Chang.

 

Matatandaang kahapon lang nang magimbal ang madlang pipol matapos lumabas ang balita ukol sa diumano’y pananakit ng aktor sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni na nangyari sa isang hotel sa Tagaytay.

 

“No woman deserve violence or any form of abuse from their partner. May it be physical, financial, emotional or even sexual abuse,” saad ni Dawn sa kanyang Instagram account.

 

Aniya, kinakailangan maging matapang ng mga babae upang manindigan at umalis sa isang relasyon na hindi na healthy para sa kanya.

 

Payo pa ni Dawn, “Be brave enough to leave the relationship but be strong for the aftershock because the abuse sometimes continues even after leaving the relationship.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙳𝙰𝚆𝙽 𝙲𝙷𝙰𝙽𝙶 (@thedawnchang)

 

Marami naman ang nag-agree sa aktres lalo na’t ngayong Marso ay buwan ng kababaihan pero mas marami pa rin ang nang-bash sa aktres dahil sa “pakikisawsaw” na naman niya sa trending issue.

 

“Ayan na naman papansin ang tikbalang nato.. attention seeker ka talaga,” saad ng isang IG user.

 

Sey pa ng isa, “Ayan na naman sya sawsaw suka…. Kahit lalaki hndi din deserve and any form of violence.”

 

Nag-reply naman sa naturang comment si Dawn.

 

“Tama ka no one including men deserves violence. Sana hindi mo nararanasan yan ngayon. Sana hindi rin maranasan ng anak mo pag laki nya. Kaya please guide your daughter well because one day she will love hard and she will give her all,” saad niya.

 

Hirit pa ng isang netizen, “Lahat ng sasabihin mo dawn ay nakakatawa, alam na namin yan pero pag nanggaling sayo nakakasuka.. umeepal kna naman sa issue.. maya mabash kna naman mag ngangawa ka na naman.”

 

Makikita namang nag-reply rin ang aktres sa naturang comment at sinabing, “If you already know this then you must also be a victim. I feel for you. But if you’re not a victim of abuse then you don’t understand and I hope it doesn’t happen to you.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang mga komento ng pambabatikos ang natanggap ni Dawn gaya na lamang ng tila gusto na naman nitong magpapansin para magka-project at maski ang nakaalitang si Chie Filomeno ay nabanggit ng isang netizen. Ngunit sa kabila nito, mukhang pinili na lang rin ng aktres na sumagot nang mahinahon.

 

Related Chika:
Dawn Chang idinamay ng netizens sa pagkatsugi ni Kiko Estrada sa ‘Darna’
Dawn Chang kasama sa cast ng ‘Darna’ TV series, netizens nag-react: Anong role mo dyan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending