1,000 residente sa Iligan City, inilikas | Bandera

1,000 residente sa Iligan City, inilikas

- March 08, 2022 - 09:07 AM

Iligan City

Divina Suson, Inquirer Mindanao

Aabot sa mahigit 1,000 residente ang inilikas sa Iligan City.

Ito ay dahil sa umapaw na ang ilog bunsod ng dalawang araw na pag-ulan na dala ng low pressure area.

Ayon sa ulat ng Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa mga evacuation center na ang mga inilikas na residente mula sa walong barangay.

Sinuspinde na rin ni Iligan City Mayor Celso Regencia ang klase sa lahat ng antas maging ang trabaho sa private at public offices maliban na lamang ang nasa public safety services, emergency response, medical services at safety services at disaster response.

Hindi na rin madaanan ng mga sasakyan ang ilang tulay at lansangan sa Iligan dahil sa landslide at baha.

Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways, may landslide sa national highway sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending