Beatrice Gomez may 'pasabog' ngayong Valentines | Bandera

Beatrice Gomez may ‘pasabog’ ngayong Valentines

Therese Arceo |February 15,2022
facebook
share this

Beatrice Gomez may ‘pasabog’ ngayong Valentines

Therese Arceo - February 15, 2022 - 07:47 PM

Beatrice Gomez may 'pasabog' ngayong Valentines
GINULAT ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang madlang pipol nang mag-post ito sa kanyang Instagram ng mga larawan ng kanyang nakasama sa nagdaang Araw ng mga Puso.

“Valentine’s Day,” caption ng beauty queen na may pa-black heart emoji.

Bagama’t maikli lang ang caption ay sapat na ang larawang ibinahagi ni Beatrice para maloka ang mga Marites.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beatrice Luigi Gomez (@beatriceluigigmz)

Ang kasama niya kasi ay si John Odin, ang DJ na naintriga noon na diumano’y “third party” raw sa kanilang hiwalayan ng kanyang long time girlfriend na si Kate Jagdon.

Bukod sa kanyang Instagram post ay may mga stories rin si Beatrice ng mga snaps ng kanilang naging dinner date.

Hindi rin naman nilinaw ng dalaga kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa ni John. Pwede rin kasing nag-date lang ang dalawa “as a friend” lalo na’t noon pa man ay nagkakasama na sila sa tuwing nasa Manila ang beauty queen.

Matatandaang nitong Oktubre 2021, ilang buwan matapos ang pagkakapanalo ng dalaga sa Miss Universe 2021 ay umugong ang balitang hiwalay na sila ng kanyang DJ-entrepreneur girlfriend.

Naging tahimik ang dalawang kampo ukol sa isyu hanggang mismong si Kate na ang bumasag ng kanyang katahimikan at kinumpirma na tuluyan nang nagtapos ang kanilang relasyon.

Related Chika:
Beatrice Gomez, Kate Jagdon hiwalay na nga ba?
Photos ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Gomez bilang reservist, trending!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending