Tracy Perez pasok na sa 2021 Miss World Top 30; tinawag na ‘Queen B’ si Beatrice Gomez
Tracy Maureen Perez
PAGKATAPOS rumampa ni Beatrice Luigi Gomez sa 70th edition ng Miss Universe sa Eilat, Israel, ang bet naman ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez ang makikipaglaban sa Miss World 2021.
Gaganapin ang ika-70 edisyon din ng Miss World sa Puerto Rico sa darating na Dec.16, 2021 (Dec. 17 sa Pilipinas) at isa nga si Tracy sa mga rarampang kandidata para muling ibandera ang bansa sa buong mundo.
Maraming natuwa kay Tracy nang mag-post siya sa kanyang Instagram story ng isang mensahe para sa kapwa beauty queen na si Beatrice habang ginaganap ang Miss Universe pageant sa Israel.
Ito’y sa kabila ng paglaban din niya sa Miss World at sa pagiging busy sa nagaganap na pre-pageant sa Puerto Rico.
Ibinahagi ni Tracy sa IG ang national costume ni Bea kalakip ang mensaheng, “Praying and rooting for you always our queen B! You got this! Laban! We are all with you in this fight.”
Samantala, na kay Tracy na ngayon ang mgavmata at atensiyon ng sambayanang Filipino para sa nalalapit na grand coronation night ng Miss World 2021.
In fairness, pasok na sa Top 30 ang Pinay beauty queen matapos magpakitang-gilas sa final head-to-head challenge ng pageant.
Dito, kinailangan nilang mag-speech ng dalawang beses — ang unang subject ay “Beauty With a Purpose Project” at ang pangalawa naman ay bilang “ambassador” ng Puerto Rico paano nila ibabandera ang kagandahan ng bansa para mas marami pang turista ang bumisita.
Sa first round, isusulong daw ng Cebuana beauty queen ang kanyang “Para kay Nanay” project na iniaalay niya sa yumaong ina at sa lahat ng single mother sa buong mundo.
View this post on Instagram
Sa second round naman, sinabi ni Tracy na unang tapak pa lang niya sa Puerto Rico ay na-in love na siya rito, kasunod ang makabagbag-damdaming kuwento tungkol sa isang babaeng Puerto Rican na tumulong sa kanya sa airport.
“The best places in the world don’t really need the most amazing and the most beautiful sceneries. They just need to have the best people,” lahad ng dalaga.
Sa huli, tinalo ni Tracy si Miss Mexico at nakakuha nga ng puwesto sa Top 30. At kung papalaring masungkit ang korona at titulo siya na ang ikalawang Pinay Miss World pagkatapos ni Megan Young na nagwagi noong 2013.
https://bandera.inquirer.net/294812/miss-world-ph-2021-tracy-perez-sa-2-beses-na-pagbagsak-hindi-ko-alam-kung-matutuwa-ako-mahihiya-o-malulungkot
https://bandera.inquirer.net/295172/tracy-perez-napasabak-sa-extra-challenge-bago-naging-miss-world-ph-as-a-probinsyana-its-hard-talaga
https://bandera.inquirer.net/294614/miss-world-ph-2021-tracy-perez-nagkasugat-sugat-matapos-tumumba-ng-2-beses-sa-stage
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.