Beatrice Gomez, Kate Jagdon hiwalay na nga ba? | Bandera

Beatrice Gomez, Kate Jagdon hiwalay na nga ba?

Therese Arceo |October 26,2021
facebook
share this

Beatrice Gomez, Kate Jagdon hiwalay na nga ba?

Therese Arceo - October 26, 2021 - 01:44 PM

Beatrice Gomez, Kate Jagdon hiwalay na nga ba?

MAY balitang kumakalat ngayon sa social media na hiwalay na raw si 2021 Miss Universe PH Beatrice Gomez sa kanyang longtime dyowa na si Kate Jagdon.

Isang netizen na may username na @cornbeefsilog ang nag-post ng isang thread na nagsasabing hiwalay na raw ang beauty queen sa kanyang longtime girlfriend.

Base sa post ng netizen, nag-cheat raw si Beatrice kay Kate at ipinagpalit ito sa kaibigan nilang si John Odin.

May screenshot rin na ipinost ang nasabing netizen ng Instagram story ni Beatrice kung saan may ka-holding hands ito. Nagdagdag rin ito ng litrato ng beauty queen na may suot na bracelet at pati na rin ng litrato ni John Odin na sinasabing “third party” raw ng hiwalayan.

Dagdag pa nito, wala na raw masyadong post si Kate Jagdon sa kanyang IG story na dati raw ay si Beatrice ang madalas na laman. Inunfollow na rin daw ni Kate si John sa IG.

Sinabi rin ng netizen na madalas na raw ang pag-aaway ng magdyowa at hindi na raw matago sa make up ang pamumugto ng mga mata nito dahil nalaman na raw ni Kate ang diumano’y panloloka raw ni Bea sa kanya.

May sinabi rin itong naka-follow rin ang sinasabing “third party” sa private IG ni Beatrice na may username na @iammissluigi.

Nang i-stalk namin ang nasabing account ay naka-public naman ito at may nakasaad ring “I will let you in on a secret. Just organizing photos here and that’s the tea.”

Tinignan rin naman ang IG account ni Kate at ang latest post nito ay ang pagkapanalo ni Beatrice sa Miss Universe PH 2021. Naka-follow pa rin naman ito sa beauty queen.

Mukha namang okay ang dalawa taliwas sa sinasabi ng netizen na ngayon ay deactivated na ang account.

Dinepensahan naman ng isang pageant blogger si Beatrice at nag-post rin ng video kasama ang beauty queen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Philippines (@forthephilippines)

“Pinagtatawanan na lang namin ‘yung mga nababasa namin. Daming storymaker,” saad nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang pormal na pahayag si Beatrice ukol sa isyu na ito.

Sa ngayon ay abala rin ang dalaga sa paghahanda sa nalalapit na Miss Universe 2021 na gaganapin sa Isarael.

Bukas naman ang BANDERA para kay 2021 Miss Universe PH Beatrice Gomez sakaling naisin nitong linawin ang naturang isyu.

Related chika:
Beatrice Gomez ng Cebu City, wagi bilang Miss Universe Philippines 2021
Bea Gomez utang ang pagkapanalo sa 2021 Miss Universe PH sa mga taong hindi nagduda sa kanya
Photos ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Gomez bilang reservist, trending!

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending