Beatrice Gomez matindi ang pasabog tungkol sa hiwalayan nila ni Kate Jagdon | Bandera

Beatrice Gomez matindi ang pasabog tungkol sa hiwalayan nila ni Kate Jagdon

Therese Arceo |February 16,2022
facebook
share this

Beatrice Gomez matindi ang pasabog tungkol sa hiwalayan nila ni Kate Jagdon

Therese Arceo - February 16, 2022 - 08:39 PM

Beatrice Gomez matindi ang pasabog tungkol sa hiwalayan nila ni Kate Jagdon
MATAPOS ang ilang buwang pananahimik ay tuluyan nang nagsalita si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ukol sa kanilang break-up ng long time girlfriend niyang si Kate Jagdon.

Halos tatlong buwan na ang nakakalipas buhat nang kumpirmahin ni Kate sa pamamagitan ng paglalabas niya ng kanyang statement sa Instagram story ang kanilang break-up ngunit ngayon lamang magsasalita ang dalaga ng kanyang side of the story.

Aniya, noon pa lang ay napakarami na na niyang natatanggap na batikos na para bang kilalang kilala siya ng mga tao at alam ng mga ito ang kanyang pinagdaraanan.

Pagkukwento ni Beatrice, tiniis niya ang lahat mg mga ibinabato sa kanya noon kahit na napakahirap para sa kanya dahil ito rin ang kasagsagan ng kanyang paghahanda sa Miss Universe pero ngayon ay marahil napuno na rin ang dalaga at nagdesisyon na ring ipagtanggol ang sarili.

Base sa inilabas niyang statement sa kanyang social media accounts, nilinaw niya ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“When I was on my way to the MUPH competition, after a series of confrontations, I learned that she’d already been entertaining a person named Adam for over a year during our relationship,” saad ni Beatrice.

Dagdag pa niya, “She’s made out with someone, made a move on other girls, and have been going out more often than usual that there were even times she wouldn’t come home for days.

“I wouldn’t know where she was or who she was with. I didn’t recognize her anymore and things began to change.”

Ikinuwento rin niya na marami na ring mga tao ang nagbigay ng babala sa kanya ukol sa mga ginagawa ng kanyang girlfriend ngunit mas pinili niyang depensahan at kampihan ito.

Sinubukan rin ni Beatrice ang lahat ng kanyang makakaya para maging maayos pa rin ang kanilang relasyon ngunit hindi siya nagtagumpay lalo na’t hindi naging madali para sa kanila ang i-maintain ang long distance relationship noong mga panahong iyon.

“For over two months, when I was already here in Manila, I was on video call with her for as much as possible.

“There were days that instead of talking about how our days went, she’d be in a party or playing her video games,” kuwento ng Miss Universe Philippines 2021.

Amin pa niya, noong mga panahon ng kanyang laban sa 70th Miss Universe pageant nitong December ay marami siyang natatanggap na batikos mula sa mga tagasuporta ni Kate gayong hindi nila alam kung ano ang kanyang side.

“They wished I’d lose because I made her life miserable when I decided to break up with her. I can only endure so much for too long. It is hard to advocate for mental health when I, myself, struggled through pressure, anxiety, and even depression.

“I focused too much on trying to grow without realizing that I’ve been taking her for granted. All along, she had been the victim of this break up because she chose to. She didn’t have to explain herself because I was already being antagonized and everyone’s sympathy was with her,” sey ni Beatrice.

Kaya nga laking pasasalamat niya dahil may mga tao na nanatili sa kanyang tabi sa mga panahong kailangan niya ng mga taong masasandalan.

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, hiling pa rin niya ang ikabubuti ng kanyang ex-dyowa.

“I can only hope for the best for both of us. I did love her, I don’t regret anything in the six years that we’ve been together. I loved her until the last day I was with her.

“We both deserve to be happy… genuinely happy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beatrice Luigi Gomez (@beatriceluigigmz)

 

Related Chika:
Beatrice Gomez, Kate Jagdon hiwalay na nga ba?
2021 Miss Universe PH Beatrice Gomez hiwalay na sa longtime partner na si Kate Jagdon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending