Photos ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Gomez bilang reservist, trending! | Bandera

Photos ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Gomez bilang reservist, trending!

Reggee Bonoan |October 02,2021
facebook
share this

Photos ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Gomez bilang reservist, trending!

Reggee Bonoan - October 02, 2021 - 10:57 AM

TRENDING ang nanalong 2021 Binibining Pilipinas Universe na si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City dahil sa pagiging open niya sa bilang miyembro ng LGBTQIA+. Kasalukuyang nasa pitong taon relasyon niya kay Kate Jagdon, kilalang DJ at Enterpreneur sa Cebu.

Hindi si Beatrice ang unang out and proud member na sumali sa isang beauty contest pero dahil siya ang nanalong Binibining Pilipinas Universe na mag-represent sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Eilat, Israel sa December 2021 kaya siya trending.

Multi-talented si Beatrice dahil bukod sa pagiging modelo, community development worker, at atleta ay isa rin siyang Marine reservist ng Naval Reserve Center, Eastern Visayas.

Nakita namin sa isang Facebook page ang mga litrato ni Beatrice na naka-unipome siya ng pang military na ang titulo ay, ‘Our Miss Universe Philippines 2021, Beatrice Luigi Gomez!’

Mayroon ring mga larawang kuha na naka-indian seat siya habang kumakain ng naka-kamay, namamahagi ng pagkain sa mga bata, at iba pa na kuha mula sa kaniyang naging training bilang Marine reservist.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa kulang 400 shares at 5k likes.

Ang ilan sa mga nabasa naming komento, “beauty with purpose” mula kay Jennylyn Dayao Espinosa.

Say naman ni @Nizh Singzon Custodio, “Cowboy, la arte2. Congratz.”

Sabi naman ni @Anna May Estiandan, “Wow astig pla yarn c Miss U.”

Naloka naman kami sa komento ni @Naiviv Otos AznaLl, “Yung jowa ni Budoy di man lang nag training nakasali agad sa Coastguard.”

Ang binanggit na Budoy ay karakter na ginampanan ni Gerald Anderson sa teleseryeng pareho ang titulo na umere sa Kapamilya network noong 2011 kasama sina Enrique Gil, Jessy Mendiola, at Janice de Belen.

Kamakailan nga ay napabilang ang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto sa hanay ng PCGA K9 Squadron na may ranggong auxiliary ensign samantalang ang aktor ay may ranggong Lieutenant commander.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya siguro nabanggit ng netizen na hindi dumaan sa training si Julia at nakasama kaagad sa coastguard ay dahil wala namang nabalitaan ang publiko na nag-training nga siya.

Going back to Beatrice ay sobrang proud ang mga kasamahan niya sa marines bilang Binibining Pilipinas Universe 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending