Sotto hinikayat ang gobyerno na magpatupad ng price freeze sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette | Bandera

Sotto hinikayat ang gobyerno na magpatupad ng price freeze sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette

- December 21, 2021 - 04:04 PM

Sotto

HINIKAYAT ni Senate President Vicente Sotto III ang Malacanang na magpatupad ng price freeze sa mga basic commodities sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette.

Ayon kay Sotto, dapat daw na mas pabilisin pa ng gobyerno ang pagpigil sa mga abusadong business owners sa pananamantala sa nangyaring kalamidad at pagtataas ng presyo ng mga pangunahing panganagailangan ng mga tao sa kabila ng kakulangan sa pagkain at supply ng tubig.

“Sa panahon ng krisis, hindi nawawala ang mga abusadong mangangalakal na nagagawa pang magtaas ng presyo ng mga basic commodities tulad ng bigas at potable water sa kabila ng paghihirap na dinaranas ng mga pamilyang apektado ng anumang kalamidad. Mahalagang unahan na ng pamahalaan ang mga taong ito sa pamamagitan ng pag-impose ng price freeze sa mga lugar na tinuligsa ng bagyong Odette,” ani Sotto.

Dinaanan ng super typhoon Odette ang pitong rehiyon sa bansa kung saan nag-iwan ito ng daan-daang taong nasawi at bilyun-bilyong pisong halaga ng mga nasirang ari-arian sa Surigao del Norte, Dinagat Islands, Bohol, Cebu, Southern Leyte, Negros Oriental, at Palawan.

“Aksyon agad. Iyan ang kailangang gawin ng ating pamahalaan nang sa ganun ay hindi na madagdagan pa ang paghihirap na dinaranas ng ating mga kababayan mula sa Caraga region, Western Visayas, Eastern Visayas, Bicol, at Northern Mindanao,” saad ni Sotto.

Dagdag pa niya, “Importante na laging alerto ang mga opisyal ng gobyerno sa mga pang-aabuso na maaaring maganap sa gitna ng krisis. Hindi na kailangan pa ng dagdag na pasanin ng ating mga kababayang nawalan na ng kaanak at bahay ng dahil sa bagyong Odette.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending