Kris bina-bash pa rin sa kabila ng pagtulong: Hindi ko ninakaw ‘yung perang ginamit, galing sa sarili kong bulsa | Bandera

Kris bina-bash pa rin sa kabila ng pagtulong: Hindi ko ninakaw ‘yung perang ginamit, galing sa sarili kong bulsa

Reggee Bonoan - December 25, 2021 - 06:20 PM

Kris Aquino | Photo from Leni Robredo’s Facebook account

NAGLABAS si Kris Aquino ng sama ng loob niya by posting sa Instagram account niya ngayong hapon dahil tumulong na nga siya sa mga biktima ng bagyong Odette ay bina-bash pa rin siya dahil bakit kailangan daw ipagsabi na tumulong siya.

Bahagi ng paliwanag niya, “Alam ko babanatan na naman ako ng ilan dahil sa posts ko. BUT did you think maaawat n’yo ako? Bakit n’yo ko tinuturuan to quietly help? Hindi ko ninakaw ‘yung perang ginamit, hindi pera ng gobyerno, galing sa sarili kong bulsa. Alam ko rin by posting marami pa ang mae-engganyong tumulong kasi reality na, ‘if you don’t post it. It didn’t happen.’

Mahaba pa ang mga paliwanag ni Kris sa IG na isa-isa niyang binanggit ang mga nagawa ng kuya Noy niya noong ito ay naging presidente ng Pilipinas na hindi alam ng iba dahil hindi ito ipinamalita ni PNoy dahil tahimik lang siya.

Sabi nga ni Kris, “Dapat pala AKO, si BUNSO na naging UNOFFICIAL, yet CREDIBLE & EFFECTIVE SPOKESPERSON niya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Samantala, pinasalamatan naman ni Kris ang kanyang fiancé na si dating DILG secretary Mel Senen Sarmiento na nasa tabi niya at nagsisilbing lakas niya.

Aniya, “Thank you babe for being my strength, and because makulit talaga ako sa facts, for making sure na tama lahat ng dates & figures na nilabas natin.

“Special thanks to Kuya Josh dahil for now, staying with us muna s’ya. Bimb thanks for helping move & lift me while making it seem so effortless.

“Apologies to everyone I haven’t thanked for their gifts nor replied to their messages, I’m single minded when it comes to my tasks and my shoulders and back are still pulsing w/ spasms & cramps.

“Simple but truthful explanation: may na a-accuse na nagpunta pero ang konti naman ng dala… meron maraming tuloy-tuloy ang pagpapadala pero hinahanap s’ya. May nagpupunta ng personal pero press release ang nagkukuwento, so, hindi tayo sure kung totoo ba?” sey ni Kris.

“Sinigurado ko lang na alam n’yo hindi lang ako hanggang salita. Gusto kong patuloy kayong magtiwala na maaasahan n’yo pa rin ako. Wrong for my body, but correct for my heart & soul.

“Sumagot ako through researched art cards, kasi united kami ni Mel, you all should at least know what Noy was able to do for the (emoji Philippine flag) when 15,208,678 (42.08% of the 2010 voting population) gave him the biggest honor & responsibility any Filipino citizen could ever have- yung pagkakataon na manilbihan at mamuno sa ating lahat.

“Let’s have a peaceful and healthy Christmas leading up to when we welcome 2022.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Kahit may sakit, Kris nakipag-sanib pwersa uli kay Angel para tumulong sa mga biktima ni Odette

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending