Lolit ayaw nang humingi ng gadget kay Willie: Madalas drawing lang | Bandera

Lolit ayaw nang humingi ng gadget kay Willie: Madalas drawing lang

Therese Arceo |December 11,2021
facebook
share this

Lolit ayaw nang humingi ng gadget kay Willie: Madalas drawing lang

Therese Arceo - December 11, 2021 - 08:48 PM

Lolit ayaw nang humingi ng gadget kay Willie: Madalas drawing lang

NAGBAGO na ang isip ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis at ayaw na nitong magpa-sponsor ng gadget kay Willie Revillame.

Sa kanyang Instagram post ay sinabi nito na naghahanap siya ng sponsor para sa kanyang bagong iPad na gagamitin niya para sa panonood ng mga Korean dramas.

“Hindi na ako hihingi kay Willie Revillame dahil madalas, drawing lang pag nag-promise,” saad ni Manay Lolit.

Matatandaang naglambing sina Manay Lolit noon kay Willie sa isang episode ng kanilang digital show kasama sina Cristy Fermin at Mr. Fu na kung maaari ay bigyan sila ng iPhone 13 dahil luma na ang kanilang mga ginagamit na cellphone.

Ngunit mukhang hindi na nga kailangang humingi ni Manay Lolit dahil buong puso na siyang binigyan ng bagong cellphone ni Gretchen Barretto.

“Kung hinintay pa natin kay Willie Revillame hahanap pa siya ng sponsor… hindi siya ang bibili,” dagdag pa nito.

Marami naman sa mga netizens ang napa-react sa post ni Manay Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

May mga nagagalit sa talent manager dahil siniraan daw niya agad ang “Wowowin” host dahil hindi agad napagbigyan ang kanyang kagustuhan.

“Grabe na sobra pa!!! Siniraan pa si Willie, pag di ka na nabigyan ni Gretchen siraan mo din?” imbyernang tanong ng netizen kay Manay Lolit.

“Daming nagugutom magwi-wish ka pa ng iphone 13. Daming bigas na mabibili nun. Ikaw ba dapat i-prioritize ni Willie?’ saad naman ng isa pang netizen.

“Pag di talaga napagbigyan pangit na sa mata ni Lolit. Minsan pasimple pa ang paninira,” sey ng isa pang netizen.

May mga netizens naman na nagtanggol kay Manay Lolit.

“Daming inggiterang bashers dito. Known si nay lolit sa industry na ganyan. Lambing lang niya yan and shineshare din niya mga binibigay sa kanya. Ang dali lng nman, kung ayaw niyo sa kanya wag niyo ifollow, wag niyo basahin mga posts niya,” depensa ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano ba naman yan konti salita may nag bash agad. Huwag naman ganyan. Kung hinde ninyo type ang sinasabi bakit pa kayo mag follow sa kanya?” segunda naman ng isa pang netizen.

“Bashers, pls know when she (Lolit) is cracking a joke and when she is serious about her topic. Be discerning pls,” sey pa ng isa.

Related Chika:
Lolit, Cristy Mr. Fu humirit ng mamahaling cellphone kay Willie Revillame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending