Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims
FULL support ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang wifey at judge sa Miss Universe 2021 na si Marian Rivera.
Kebs lang daw para sa aktor ang maging water boy ng Kapuso Primetime Queen, base na rin sa kanyang Instagram post bago magsimula ang preliminary event madaling araw ngayong Sabado, Dis. 11, dito sa Pilipinas.
Sa nasabing post, all smiles si Marian habang naghihintay sa pagsisimula ng show.
Ani Dong sa caption, “I don’t mind being this judge’s Water Boy during tonight’s preliminary event. (winking emoji)”
View this post on Instagram
Talaga namang mabibighani ka sa ganda ni Yan sa kanyang look in black dress.
Kinilig naman ang netizens sa comment section ng post ni Dingdong. Aniya ng karamihan, puwede na raw bigyan ng best husband award ang aktor.
“Naks! full support si papa Dong. Ang ganda naman kasi ng MU judge.”
“Ganda ni Marian. I am so happy na nakita ng world, the universe rather, kung gaano siya kaganda. Siya talaga ang winner dito!”
“I’m so proud of Marian… Ang happy nya tignan”
https://www.facebook.com/MarianRivera/posts/467655851396591?__cft__[0]=AZU6v1ds7IHpt1k_LCn0uDUBNnOfH_wFh-vqRi1lskKgrIqbs_7d1UpAja72L8D4Po2PdQObO1wT91fFy3saSxVxT3GGVZnvtQiZHnd6BZtU4MX4zhdbGfotMbN2LMoIIFNx3yMl4rQMV5Iv5HnJJWFt&__tn__=%2CO%2CP-R
Uupo si Marian bilang isa sa selection committee members sa preliminary at final show.
Nakasama niya ngayong prelims judging ang Bollywood actress na si Urvashi Rautela, Brazilian supermodel Adriana Lima, entrepreneur Lori Harvey, at Miss USA 2019 Cheslie Kryst.
Kabilang din sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere at Miss Universe 1976 Rina Mor.
Gaganapin ang final show sa Eilat, Israel ngayong Disyembre 12 (Disyembre 13 oras sa Maynila). Si Beatrice Luigi Gomez ang pambato ng Pilipinas.
Related Chikas:
Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.