'Palitan' ni Brillante Mendoza mapapasama kaya sa film festival sa ibang bansa? | Bandera

‘Palitan’ ni Brillante Mendoza mapapasama kaya sa film festival sa ibang bansa?

Reggee Bonoan - December 09, 2021 - 06:42 PM

ALIW na aliw kami dahil habang kumakain muna kami sa isang restaurant bago pumunta sa screening ng pelikulang “Dulo” nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa Cinema 5 Fishermall nitong Lunes ng gabi ay ang pelikulang “Palitan” na idinirek ni Brillante Mendoza ang topic namin.

Ang “Dulo” at “Palitan” ay parehong prinodyus ng Viva Films na parehong mapapanood sa December 10 sa Vivamax.

Kaya hot topic ang “Palitan” ay dahil tama lang na sa Vivamax ito ipalabas dahil kung sa sinehan ay tiyak na sandamakmak na katay ang aabutin nito sa MTRCB lalo na ‘yung stag party scene at love scenes sa falls kung saan hubo’t hubad ang apat na bidang sina Luis Hontiveros, Rash Flores, Cara Gonzales at Jela Cuenca.

Tawang-tawa kami sa reaksyon ng mga lalaki na naantig daw ang damdamin nila kay Luis na nagpasilip ng private part na nahagip ng camera dahil pataas ang kuha, alam daw kaya ito ng aktor? Hindi kaya na-trauma ito dahil first indie movie niya ito?

Samantalang si Rash naman ay walang pakialam dahil hubad kung hubad siya at inamin niyang hindi siya gumamit ng plaster.

In fairness naalagaan ni direk Brillante ang lower part nina Jela at Cara dahil puro boobs nila ang nakita sa kamera sa lahat ng anggulo.

Na-bother naman kami sa stag party scene do’n sa babaeng talent o bagong artista, ‘yun na tatlong lalaki ang naka-sex niya sa banyo na kitang-kitang walang daya ang mga halikan nila kasama ulit sina Rash, Luis at isa pang guy na nag-organisa ng event.

“Gusto niyang sumikat, eh, so ‘yan ang eksena niya saka Brillante Mendoza direktor, so alam mo naman tatak Brillante Mendoza hinahabol ‘yan,” komento ng isang kasamahan namin sa panulat.

Samantala, marami ang nagtaka na first time raw gumawa ni direk Brillante ng LGBT movie at first time rin sa Viva Films kung saan may mga gagawin pa siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)

Sabi nga ni direk Brillante, “enjoy at na-excite ako sa paggawa ko dito at naitawid naman. Sana magustuhan ninyo.”

Festival director si Brillante Mendoza dahil lahat ng pelikula niya ay nasasali sa International Film Festival at nag-uuwi ng karangalan para sa bansa tulad ng nanalo siyang Best Director at Best Actress naman si Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival.

Mapapapasali ba ang “Palitan” sa film festival sa ibang bansa?

“Nang makausap ko si Boss Vic (Del Rosario) sabi niya ipalalabas na ito sa December 10, so, masyadong huli na at may mga festival about LGBTQ na ‘yun talaga ang hina-highlight nila sa mga festival.

“Kaya lang depende siguro kung magkakaroon ng director’s cut puwede naman sigurong i-consider. Kaya lang kasi sa mga festival ang gusto nila ay international premiere o world premiere, e, pag napanood na ito sa Vivamax platform, parang hindi na puwede,” paliwanag ni direk Brillante.

Pero in-encourage siya ng Viva boss na ituloy pa rin ang pagsali ng mga pelikula niya sa iba’t ibang festival para makilala ang mga artista ng Viva at mga pelikulang produced.

Anyway, maganda ang resulta ng Viva movies na ipinalalabas sa Vivamax kaya nagustuhan ito ng direktor kaya join na rin siya sa online streaming sa mga ididirek niyang pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ito ay may mga nabasa kami sa social media na aabangan nila ang “Palitan” sa December 10 at tama lang na hindi ito sa sinehan mapanood dahil bukod sa mahal na ay puro katay pa.

“Mas masarap sa bahay manood puwede pang kumain habang nanonood, sa sinehan bawal ng kumain at uminom man lang.”

Related Chika:
Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending