Nakakaloka ang sex scenes sa 'Palitan' ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo't hubad Bandera

Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad

Ervin Santiago |December 08,2021
share this

Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad

Ervin Santiago December 08, 2021 - 08:09 AM

Cara Gonzales, Luis Hontiveros, Rash Flores at Jela Cuenca

GRABE! As in grabe pala talaga ang bagong pelikula ni Brillante Mendoza na “Palitan” mula sa Viva Films.

Ito’y pinagbibidahan ng mga baguhan ngunit matatapang na sexy stars na sina Cara Gonzales at Jela Cuenca kasama ang mga palaban din sa hubaran na sina Luis Hontiveros at Rash Flores.

Tama naman ang mga naging pahayag ng apat na bida ni Direk Brillante tungkol sa kanilang pelikula — talagang tumodo na sila sa hubaran at mga nakakaloka at nakakaiskandalong sex scenes.

In fairness, simula pa lang ng pelikula ay talagang nagdyugdyugan na sina Cara at Luis habang nasa loob ng fitting room sa isang boutique.

But wait, there’s more as in more and more and more! Ha-hahaha! Sa unang bahagi ng “Palitan” ay isinalaysay muna ni Direk Dante ang mga issue sa kuwento na iikot sa naunsyaming love story ng mga karakter nina Cara at Jela bilang sina Jen at Marie.

Dito nga sasagutin ang tanong na kung bibigyan ka ng isang gabi para makasama ang iyong tunay na minamahal gagawin mo ba ito? Isusugal mo ba ang lahat ng iyong pinaghirapan, at bawat relasyon na mayroon ka para mapagbigyan ang iyong at sarili at makuha ang inaasam-asam na true love?

Yes, isang GL o girls love at sexy-thriller ang “Palitan” na tatalakay sa buhay ng apat na taong pinagtagpo ng pag-ibig, pagkakaibigan at tawag ng laman. 

Hindi na namin ikukuwento ang magiging takbo ng kuwento ng “Palitan” pero siguradong masa-shock kayo sa mga eksena rito nina Cara, Jela, Luis at Rash lalo na nang magkita-kita na sila sa probinsya na mauuwi sa isang mainit at mapusok na gabi.


Para sa amin, ito na ang pinakagrabeng sex movie na ginawa ni Direk Dante — lalo na kapag napanood n’yo ang isang nakakawindang na eksena sa CR, ang sex scene ng apat na bida sa falls, at ang nakakalokang love scene nina Cara at Jela kung saan talagang naghubo’t hubad pa sila. 

Promise, sure na sure kami na ikagugulat n’yo ang mga eksenang ito! Ngunit, bukod sa maiinit at mapangahas na mga sex scenes, may mga aral ding tungkol sa buhay-buhay ang pelikula.

Kabilang na riyan ang pagtanggap kung sino ka talaga, ang paghingi ng tulong para labanan ang mga problema, harapin ang mapanghusgang mundo, at maniwala at manalig sa mga desisyon mo.

Ang “Palitan” ay isinulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio na siya ring sumulat ng “Taklub” na tumanggap ng Prize of the Ecumenical Jury award sa Cannes Film Festival noong 2015), at ang “Mindanao,” na nanalo naman ng dalawang awards sa 41st Cairo Film Festival.

Mapapanood na ang “Palitan” sa VIVAMAX ngayong darating na Dec. 10.

Sexy star ng Viva pinayagan ng ama na maghubad sa pelikula: Pero bawal akong hawakan sa boobs!

Luis Hontiveros hindi ipinaalam sa pamilya ang paghuhubad sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending