Luis Hontiveros inokray-okray ng bashers, binalasubas daw ang pagkanta ng ‘Jopay’: ‘Sana tumula na lang siya!’
USUNG-USO na uli ngayon ang mga out-of-town shows at noon ay nakapagdadala na rin kami ng mga artists sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas.
Madalas kaming natatanong ng mga organizers at event producers kung sinu-sinong celebrities ang pwedeng imbitahan sa kanilang mga probinsya para magbigay-saya.
Ang siste kasi diyan ay nagkakaroon ng survey sa mga probinsya ang mga staff ng Department of Tourism na silang in-charge sa mga shows at kung sino ang gustong performers ng nakararami ay iyon ang pinakokontak sa agent o kakilalang may koneksyon sa artists.
View this post on Instagram
Anyway, nabanggit sa amin ang performance ni Luis Hontiveros na nagtanghal sa ginanap Miss Pagadian 2023 Grand Coronation Night sa City Gymnasium noong Hunyo 19 na talagang tinatawanan daw siya ng mga nakapanood.
At maging ang mga contestants ay makikitang nagtitinginan na sa isa’t isa dahil wala raw sa tono ang pagkanta nito.
Hindi naman kami makapagbigay ng komento dahil hindi naman namin narinig pang mag-perform si Luis dahil ang alam namin ay artista siya at hindi mang-aawit.
Baka Bet Mo: SexBomb Jopay Paguia kilig na kilig kapag naririnig ang kuwento sa likod ng Mayonnaise song na ‘Jopay’
Sakto na napanood namin ang report nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs kagabi sa kanilang YouTube channel na “Showbiz Update” na may inilabas silang video ni Luis na kumakanta.
Nauna rin ang tawa ng dalawang hosts ng “Showbiz Update”, “Yun nga bina-bash si Luis Hontiveros ‘yung isang baguhang aktor na parang nagbi-Vivamax din ito na naimbitahan sa pageant sa probinsya (at) nagkakanta siya ng ‘Jopay, kumusta ka na?’”
“O, kumanta naman pala?” saad ni Mama Loi.
“Kumanta nga kaso wala sa tono. Kumakanta tapos takbo nang takbo pinakakanta niya do’n sa audience. Ayun ‘oh (sabay pakita ng video),” say ni Ogie.
Pinakinggan nga namin at wala kaming marinig na tugtog parang kinanta ni Luis ng acappella at tila namamaos pa at panay ang sigaw ng, “Let’s go Pagadian!”
At dahil hindi namin alam ang tono ay ni-research tuloy namin kung anong kanta itong “Jopay.” Kanta pala ito ng bandang Mayonnaise na pinasikat nila noong 2004 pa. Maganda naman ang kanta lalo na kung may tugtog.
Kaya naman pala pinagtawanan si Luis at bina-bash pa dahil sa tapang niyang kantahin ang kanta ng Mayonnaise ng wala sa tono.
Sa pagpapatuloy nina Ogie at Mama Loi, “O, nakakaloka kaya binash siya nang binash.”
Nabasa namin ang tweet ng netizens base sa ipinakita sa video at isa na rito ang, “Luis Hontiveros enroll for singing lessons. Or at least never sing again in public. Kawawang Jopay ginanu’n-ganu’n na lang ni Luis Hontiveros. Sana tumula na lang si Luis Hontiveros kesa kumanta ha, hahaha ngayon lang ulit ako nakakilala ng tone deaf ha, hahaha kawawang Jopay.”
Sabi pa ni Ogie, “Tingin ng iba raket na nga niraraket pa. Kaya next time ha, ‘yung ibang performers na tumatanggap ng out of town shows alam ninyo raket o gig dapat pinaghahandaan ninyo para makaulit kasi may mga bisita ro’n na mayor ng ibang bayan, malay n’yo gusto ko kayo kukunin kayo kukunin kayo next time.”
Tama naman talaga na dapat pinaghahandaan ito ng mga naimbitang artists na kakanta sa isang out of town shows dahil binayaran naman kayo ng tama.
Good thing halos lahat ng mga nadala naming singers o artists sa mga probinsya noon ay ilang beses umulit dahil bukod sa magagaling ay marunong pang makisama at hindi nagsusuplado sa mga gustong magpa-picture.
Pinakagusto ng lahat na talagang ilang beses iniimbitahan pero hindi na kinaya ng hectic na schedules ay sina Sam Milby, Erik Santos at Daniel Padilla.
Payo rin sa mga mag-iimbita ng artists sa out of town, dapat tunay na singer ang kunin ninyo para everybody happy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.